30.6 C
Batangas

Dating suspek sa Magsino-Fortu double murder case sa Mindoro, patay sa ambush sa Batangas

Must read

- Advertisement -

BATANGAS City – DEAD on arrival sa ospital ang isang umano’y kanang-kamay ng kilalang pulitiko sa Batangas matapos tadtarin ng bala sa lob ng kaniyang kotse sa barangay road ng Sitio Silangan, Brgy. Libjo, Batangas City noong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 21.

Kinilala ng otoridad ang biktima na si Reynante Antenor, residente ng Brgy. Sampaga ng lungsod na ito.

Nabatid pa sa ulat na bago naganap ang insidente, nakitang minamaneho ni Antenor ang kanyang kotse na may plakang AAD-4252 habang binabagtas ang barangay road ng Libjo nang biglang paulanan ito ng sunud-sunod na putok ng baril at tinaman ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon pa sa mga nakasaksi, kalalabas lamang umano ni Antenor sa isang motel sa Barangay Libjo nang mangyari ang pananambang.

Kaagad namang tuma-kas ang salarin matapos isagawa ang krimen dala ang baril na ginamit sa pama-maslang.

Magugunitang noong Abril 2004 ay sumuko si Antenor kay dating Batangas governor Armando C. Sanchez ilang buwan matapos maghain ng kasong double murder ang pulisya laban sa kanya at sa tatlong iba pang di pinangalananang suspek.

Si Antenor ang naging pangunahing suspek sa pag-patay kay dating Vice Mayor Juvy Magsino ng Naujan, Oriental Mindoro at kasamang si Leyma Fortu noong Pebrero 13, 2004 habang lulan ng isang Revo sa Brgy. Amugis, Naujan.
Nag-plead ng not guilty si Antenor sa naturang kaso.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

San Miguel Corporation (SMC) is undertaking the P44.77-billion Nasugbu-Bauan Expressway (NBEX) project that will provide a faster connection between the eastern and western portions of Batangas province. This comes after the Batangas provincial government granted the company’s infrastructure arm, SMC...
The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
Responsive and committed government financial institution. In pursuit of its commitment to help other government institutions in optimizing operating efficiency and public service, the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) turned over previously used office, furniture, and IT equipment to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -