Home Business DOE, nagisa sa Kamara dahil sa pondo na nakokolekta sa ilalim ng ER 1-94

DOE, nagisa sa Kamara dahil sa pondo na nakokolekta sa ilalim ng ER 1-94

0
DOE, nagisa sa Kamara dahil sa pondo na nakokolekta sa ilalim ng ER 1-94

6 na barangay sa host city, wala pa ring kuryente

DISMAYADO umano ang House Committee on Energy sa pamunuan ng Department of Energy (DOE) dahil hindi ito makapagbigay ng eksaktong figures mula sa nakokolektang pondo sa mga energy resource and generating facilities and companies.

Iginiit ni Energy Committee Chairman Lord Allan Jay Velasco na ipinatawag ng komite ang DOE para alamin kung magkano ang nakukuhang pondo sa mga energy resource and generating companies at makapagbalangkas ng mga batas upang mas maging kapaki-pakinabang sa bansa ang mga resources na ito.

Ayon kay Deputy Speaker Raneo Abu, batay sa ER 1-94 kailangang maglaan ng isang (1) sentimo sa bawat kilowatt hour (KWH) na napo-prodyus ng ng mga energy resource development companies bilang financial benefit ng napiling host local government communities o mga barangay.

Ang pondong makukuha dito ay laan sa elektripikasyon, development at livelihood fund, reforestation, watershed management, at health and environment enhancement fund.

Pero, mula 1992, hindi alam kung magkano ang hawak na pondo ng DOE mula sa nakukuha sa energy power resource developer at iba pang energy generation companies.

Nabatid din ni Ako Bicol Party list Representative Rodel Batocabe, na dapat ay direktang naire-remit ang pondo sa LGUs para agad maipatupad ang mga proyekto pero hindi ito nagagawa dahil kailangan pa magpanukala ng proyekto na aaprubahan muna ng DOE.

Samantala, umaasa naman ang mga komunidad sa host provinces na maipatutupad nang maayos ang mga proyektong tinutukoy ng ER 1-94 gaya ng rural electripication at watershed management.

“Nakakapagtakang sa kabila ng katotohanan na an gang Lalawigan ng Batangas ang siyang nagsusuplay ng mahigit 70% ng energy requirements ng Luzon, ngunit may mga barangay pa ring nanatiling walang suplay ng kuryente,” pahayag ni Joenald M. Rayos, isang Batangueño.

“Hindi lamang iyan, ang Batangas City ang host city ng malalaking planta ng kuryente na pinatatakbo ng mga natural gas mula sa Malampaya-Camago, Palawan at ang natural gas na iyan ay dumadaloy sa higanteng pipeline na nakalatag sa Verde Island Passage, pero ang anim (6) na barangay ng Isla Verde ay hindi kasama sa mga kinikilalang host communities at nananatiling walang kuryente. Sa mahabang panahon na tumatakbo ang mga plantang ito, maraming milyong piso na ang nakokolekta ng DOE sa ilalim ng ER 1-94 pero bakit hindi maipatupad ang matinong elektripikasyon sa Isla?” pagdidiin pa ni Rayos.|#BALIKAS_News