“WALANG bigas mula sa Japan ang dumaan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Direktang ipinamahagi ito ng mga munisipyo at lungsod.”
Ito ang binigyang-diin ng tang-gapan ng Provincial Social Welfare and Development (PSWDO) sa pagbibigay ng naging estado at proseso ng distibusyon ng donasyong bigas na ipinagkaloob ng Ministry of Agriculture, Forestry, and Fisheries (MAFF) ng Pamahalaan ng Japan, na laang tulong para sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Sa mensahe ng PSWDO sa Provincial Information Office, ipinaliwanag ni Ginang Flor Lachica, Assistant Department Head ng tanggapan, na ang naturang rice donation ng Japan Government, na may kabuuang 17,000 na sako ng bigas na tig-25 kilo, ay para lamang sa biktima ng Taal Volcano eruption.
Ito ay sang-ayon sa naging kasunduaan o Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng dalawang national agencies na kinabibilangan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Food Authority (NFA), kung saan nakasaad din na ang tanging gampanin lang ng pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ng PSWDO, ay mag-facilitate ng distribution process.
Sa naging alokasyon ng PSWDO, na inaprubahan ng DSWD Region IV-A, walong directly-affected local government units (Agoncillo, Balete, Laurel, Lemery, San Nicolas, Taal, Talisay at Tanauan City), anim na lockdown areas (Alitagtag, Cuenca, Mataas na Kahoy, Malvar at Lipa City), at mga evacuees mula sa Talaibon Interim Home sa bayan ng Ibaan, ang pinagdalahan ng mga bigas, ayon sa distribution plan ng lalawigan ng Batangas.
Ayon sa MOA, ang bawat identified beneficiary household ay maka-katanggap ng tig-isang 25-kilo na sako ng bigas dahilan upang hindi ito maaaring i-repack o hati-hatiin para gamitin sa ibang mga isina-sagawang rice subsidy distribution ng lalawigan.
Sa pamamagitan ng mga C/MSWDO, ang mga nakuhang bigas ay ibibigay na sa mga eligible beneficiaries kung saan ang kanilang mga pirma sa distribution sheets ang magsisilbing katibayan na natanggap ng mga ito ang ipinagkaloob na bigas mula sa bansang Japan.
Nilinaw din ng tanggapan na magkaiba at hindi ang donasyong bigas ng Pamahalaan ng Japan ang ipinagkakaloob ng lalawigan, sa tuluy-tuloy at walang patid na pagbibigay malasakit ni Governor Dodo Mandanas, sa mga naapektuhan ng Taal Eruption, sa iba’t ibang mga sektor, organisasyon, grupo, at indibidwal na apektado ng patuloy na nararanasang pandemya, at maging sa mga nasalanta ng dala-wang magkasunod na bagyong Quinta at Rolly.
Sa kasalukuyan, batay sa huling datos ng NFA, ika-6 ng Nobyembre 2020, mula sa total na 17,000 sacks of rice, 14,126 na dito ang nai-release at may natitira na lamang na 2,874 sako ng bigas para sa mga bayan ng Lemery, Agoncillo, at Talisay. Ito ay sa kadahilanan ng availability at loading capacity ng pagkakargahan ng mga bigas.
Samantala, matatandaan na pormal na tinanggap ng Pamaha-laang Panlalawigan ng Batangas, kasama ang pamunuan ng National Food Authority (NFA) at Department of Social Welfare and Development Office (DSWD), ang 425 metriko toneladang bigas mula sa pamahalaan ng Japan noong ika-26 ng Oktubre 2020 sa NFA Batangas Provincial Office sa Lungsod ng Batangas.
Naging bahagi sa isinagawang turnover ceremony, para sa hanay ng Kapitolyo, sina Provincial Administrator Levi Dimaunahan, na kumatawan kay Gov. DoDo Mandanas, at si PSWDO Chief Jocelyn Montalbo.| Mark Jonathan Macaraig