25 C
Batangas

Edukasyon ng Kabataang Tomasino, sinisigurong garantisado

Must read

- Advertisement -

By ERICH S. RODILLO

STO. TOMAS, Batangas – SA unang araw pa lang ng pasukan, abalang-abala na ang Pamahalaang bayan ng Sto. Tomas sa pangunguna ni Mayor Edna P. Sanchez sa pamamahagi ng mga school bags na naglalaman ng mga notebooks, pencil, crayons, learning materials, booklets at iba pang basic school supplies ng mga mga-aaral ng Kindergarten, Grade One at mga Early Childhood Centers mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan at Day Care Centers na nasasakupan ng bayang ito.

- Advertisement -

Personal na nag-ikot ang punong ehekutibo sa mga nasabing mga paaralan upang masigurong magiging maayos ang Gamit-Eskwela Project na naglalayong tulungan ang mga magulang at mga guro sa pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral.

Bukod pa rito ang isinagawang Turn-Over Ceremony ng mga School Building Classroom at School Gymnasium sa ilang pampublikong elementarya at sekundarya, gayundin ang pamamahagi ng mga office tables, upuan at mga arm chairs bilang paghahanda sa lumalaking bilang ng mga mga-aaral at karagdagang mga pasilidad sa loob ng mga paaralan.

Sa kabilang dako, matatandaang nitong nakaraang Hunyo 1, 2018, masayang ipinagkaloob ng mga opisyales ng Alay-Lakad Foundation Inc. – Sto. Tomas Chapter sa pangunguna ni Honorary Chairperson Mayor Edna P. Sanchez ang Educational Assistance sa 40 mag-aaral ng Senior High School na bagong mga scholars.

Samantala, patuloy pa rin ang pagtanggap at isinasagawang screening and evaluation ng Youth Development Office sa pamumuno ni Bb. Cathy Mendoza sa mga bagong aplikante at recipient ng EPS Scholarship and Educational Assistance kung saan, sa kasalukuyan ay mayroong kabuuang 1,045 na tumatanggap ng full scholarship at educational cash assistance na mag-aaral mula sa iba’t ibang mga Senior High Schools, Colleges at Universities sa loob at labas ng Sto.Tomas.

Tunay nga hindi natatapos ang programang pang-edukasyon ng lokal na pamahalaan, dahil mayroon ding natatatanggap na Scholarship and Educational Assistance ang mga kabataan at mag-aaral na anak ng mga solo-parents, persons with disabilities at biktima ng karahasan sa ilalim ng programa ng Municipal Social Welfare and Development Office.

Masipag din nag-aaral ng Vocational Courses ang mga kabataang scholars’ ng Sentrong Sanayang Teknikal ng Kabataan na libre at may kasiguraduhan ng agarang mapapasukang trabaho matapos ang kanilang anim na buwang pag-aaral. Mayroon din isinasagawang mga livelihood trainings sa pakikipag-tulungan sa Technical Education Skills Development Authority na naka-tuon sa mga out-of-school youth at mga kabataang walang mga magulang.

Kaya naman sadyang maipagmamalaki ng lokal na pamahalaan ang magandang resulta nito, kung saan mataas ang employment rate at kaagad na nakakahanap ng trabaho ang mga nagsipagtapos ng pag-aaral. Hindi rin kataka-takang nakapagtala ng 97.79% na Literacy Rate ang bayang ito sa isinagawang pag-aaral ng Comprehensive Land Used Plan taong 2008-2018.|

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest article