34.6 C
Batangas

Edukasyon ni Ex-Deputy Speaker Abu, minaliit ni Rep. Luistro

Must read

- Advertisement -

BAUAN, Batangas – MATINDING hinamak ni Congresswoman Gerville Reyes-Luistro ang pagkatao ng kaniyang katunggali sa pulitika na si dating Deputy Speaker at 2nd District of Batangas Congressman Raneo E. Abu sa kaniyang talumpati sa ginanap na grand campaign rally ng One Batangas sa Bauan noong Lunes, Abril 7.

Ganito ang obserbasyon ng mga sumusubaybay sa takbo ng kampanyahan sa iba’t ibang posisyon sa Lalawigan ng Batangas habang papalapit na ang Synchronized National and Local Elections sa Mayo 12.

Sa kaniyang talumpati, inilarawan ni Luistro si Abu na isang “…Galit na galit… palagi nang gatil na gatil… labas ang litid sa leeg… ‘pag ‘yun tumirik, wala akong magagawa sa kanya.”

Kasunod nito ay halos pasigaw pa niyang sinabi.. “Hinamon pa ako, magdebate daw kami sa stage. Anong pagkakakapal ng mukha niya! Ang inyong tatandaan, ang bayabas, kailan man, hindi pwedeng ikumpara sa mansanas!”

“Maging champion debater muna sya! Maging abogado muna sya, bago ko sya patulan!”, dagdag pa ni Luistro.

Malinaw na ang tinutukoy ni Luistro ay si Abu, sapagkat sila lamang namang dalawa ang magkalaban sa pagka-kongresista ng Ikalwang Distrito ng Batangas.

Sina Abu at Luistro ay kapwa nagsipagtapos sa University of Batangas. Nagtapos ng Bachelor of Arts – Major in Political Science si Abu, samantalang nagtapos naman ng abogasya sa naturan ding unibersidad si Luistro. 

Baon ang matagal na karanasan ng pagtatrabaho sa Senado, bilang Executive Assistant ni Governor Hermilando I. Mandanas sa Kapitolyo at bilang Legislative Assistant sa Kongreso, nahalal at naglingkod si Abu ng tatlong terminong sunud-sunod bilang Kongresista ng Ikalwang Distrito ng Batangas hanggang sa mahirang na maging Deputy Speaker ng House of the Representatives.

Naihalal din siyang maging pangulo ng University of Batangas Alumni Association.

Si Abu rin ang piniling maging kinatawan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating House Speaker Gloria Macapagal Arroyo para pamunuan ang official delegation ng Pilipinas sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) sa Thailand noong June 21, 2019; at opisyal na kinatawan ng Pilipinas sa 4th Meeting of the Speakers of Eurasian Countries’ Parliaments, sa Nur Sultan, Kazakhstan noong September 23 to 24, 2019.

Samantala, si Luistro naman ay naging private practicing lawyer at nagtrabaho sa munisipyo ng Mabini, Batangas, noong panahong ang kaniyang asawa ay nanunungkulan bilang alkalde ng naturang bayan.

Naihalal na kongresista noong 2022 at naging bahagi ng Quad Committee sa Kamara.| Balikas News

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

IN the face of a worsening climate crisis, Senator Loren Legarda underscored the need for daily action—beyond ceremonial observance—as the true spirit of Earth...
BAROTAC NUEVO, ILOILO — A spirited delegation of student-athletes and school officials from the Iloilo State University of Fisheries Science and Technology (ISUFST) has...
THERE is something deeply unnerving about walking into a classroom a week before elections and hearing college students shrug off voting as if it...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -