25.7 C
Batangas

Lipa City Election Protest Update: ‘245 ballot boxes, dinala na sa Maynila’

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

“TOTOO na nga ito, hindi ito fake news tulad ng ipinamamalita ng mga tagasuporta nila.”

Ito ang pahayag sa BALIKAS News ng isang kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Lipa na ayaw magpabanggit ng pangalan nang makita niyang isa-isa nang ikinakarga sa mga trak ang 245 na ballot boxes mula sa kustodya ng City Treasurer’s Office sa lungsod at dalhin sa warehouse ng PhilPost Corp. sa Intramuros, Maynila na nasa kustodya naman ng Commission on Elections (COMELEC), Pebrero 11.

Matatandaang naghain ng elec-tion protest at recount ng mga boto sa pagka-alkalde sa Lungsod ng Lipa si Gng. Bernadette P. Sabili, tumakbo sa pagka-alkalde sa ilalim ng Nacionalist People’s Coalition (NPC), laban kay Mayor Eric B. Africa na tumakbo naman sa ilalim ng Nacionalista Party.

Kamakailan ay ipinag-utos ng COMELEC – Second Division na siyang may hawak ng Election Protest Case (EPC) No. 2019-003 ang paglilipat sa Maynila ng mga nasabing urna upang matiyak ang seguridad ng mga election docu-ments and paraphernalia.

Isinasaad sa Unanimous ORDER ng Comelec na may petsang Agosto 30, 2019 na may tamang FORM and SUBSTANCE ang petisyon ni Sabili alinsunod sa hinihingi ng Comelec Resolution No. 8804 (Comelec Rules on Procedure on Disputes in an Automated Election System).

Ayon pa sa nasabing Order, “The recount proceedings will determine if the claim of the protestant that she obtained the plurality of votes is true. For the protestee, the recount proceedings could cement his authority as the duly elected Mayor of Lipa City, as the clouds of doubt on his legiti-macy to the position would be cleared.”

Matatandaang idineklara ng City Board of Canvassers bilang alkalde si Africa matapos makakuha ng kabuuang boto na 78,109 kumpara kay Sabili na nakakuha ng 76,511 boto. Sa tala ng Comelec, lumamang lamang si Africa ng 1,598 boto.

Ang Lungsod ng Lipa ay may kabuuang 200,706 rehistradong botante, at 162,042 nito ay nakaboto noong Mayo 13. Batay sa Certificate of Canvass, ang naitalang lamang ni Africa kay Sabili ay katumbas ng 0.79% ng bilang ng rehistradong botante at 0.98% naman ng mga botanteng nakaboto noong nagdaang eleksyon.

Sa isang panayam, sinabi ni Sabili na umaasa siyang magtutuluy-tuloy na ang proseso ng recount upang once and for all ay mabigyang hustisya ang anumang naging usapin sa nagdaang halalan at madetermina kung anong tunay na nangyari sa pagboto ng mga Lipeno.

Umaasa naman ang mga Lipeña na sa pag-usad ng kasong ito ay mabibigay-linaw na rin sa hinaharap ang tunay na resulta ng nakalipas na May 13, 2019 National and Local Elections.| BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

SAN JUAN, Batangas – DALAWANG ektaryang sakahan na pagmamay-ari ng Provincial Hybrid Rice Cluster sa bayang ito ang malawakang tinaniman ng mga hybrid na binhi ng palay sa pamamagitan ng drone kamakailan lamang. Mula ito sa inisyatibo ng Department of...
By JOENALD MEDINA RAYOS ACTING on his previous pronouncements that vacant key positions in his administrations will be filled-up following the lapse of the one-year imposed on the appointment of political candidates who unsuccessfully ran during the May 9, 2022...
On June 5, the United Nations’ (UN) World Environment Day, the Aboitiz Group proudly demonstrates its commitment to global sustainability efforts by highlighting its groundbreaking innovations in the fight against plastic pollution. With this year’s theme of #BeatPlasticPollution, the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -