24.5 C
Batangas

Enhancing IRA Share, nilinaw ni Mandanas sa Senado

Must read

- Advertisement -

BINIGYANG-LINAW ni Batangas governor Hermilando I. Mandanas na kayang ibigay ng pmahalaang nasyunal sa mga pamahlaang local ang karampatang kabahagi ng mga ito sa buwis kung gugustuhin ng pamahalaang nasyunal, alinsunod sa nagging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa bagay na ito.

Sa pagdinig ng Technical Working Group ng Joint Committees on Local Government; Banks; Financial Institution and Currencies, and Ways and Means ng Senado nitong nakaraang Lunes, Agosto 6, tungkol sa usaping “Enhancing the Share of LGUs in the Internal Revenue Allotment (IRA), kabilang sa mga naimbitahang dumalo si Governor Mandanas bilang resource person.

Kasama niyang dumalo sa pagdinig sina Dept. of Budget and Management secretary Benjamin Diokno, Bureau of Treasury director Dominic Mariano, Bureau of Customs commissioner Isidro Lapeña, at iba pang mga economic managers ng pamahalaang nasyonal.

Nakiisa rin ang mga opisyal at kinatawan ng mga iba’t ibang liga ng mga local government units sa bansa.

Sa desisyong inilabas noong ika-3 ng Hulyo, 2018, kinatigan ng Korte Suprema ang petisyong inihain ni Gob. Mandanas na ang IRA ng mga LGUs, ayon sa 1987 Constitution, ay dapat nanggagaling sa lahat ng national taxes at hindi lamang mula sa National Internal Revenue o buwis na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ikinatuwa ang desisyon ng mga LGUs sa buong bansa na makikinabang sa mas malaking IRA share para sa mga proyektong kinakailangan sa mga komunidad. Naglabas naman ng agam-agam ang mga economic managers sa maaaring maging epekto nito sa national economy.

Tinalakay rin ang ilang mga Senate Bills na nakatakdang ihain nina Sen. Ralph Recto, Sen. Koko Pimentel, at Sen. Sonny Angara na nakatuon sa pagsasabatas ng pagpapalaki ng IRA ng mga LGUs.|Jenny Asilo Aguilera

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

By Elyssa Lopez, Philippine Center for Investigative Journalism Liquefied natural gas may be a new industry in the local energy sector, but old names are behind the companies bringing the technology to Philippine shores.  Based on proposals submitted to the Department...
Compensation claims as a result of the sunken MT Princess Empress’s massive oil spill in Tablas Strait could surpass those filed in the aftermath of the 2006 sinking of the MT Solar in Guimaras Strait, Quezon City Rep. Marvin...
Four SM Executives led the charge among 100 notable Certified Public Accountants (CPAs) in the country as they were conferred the Centenary Awards of Excellence for their outstanding contributions in the advancement of the accountancy profession. The Centenary Awards of...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -