31.7 C
Batangas

Erap, GMA suportado ang BBM-Sara Uniteam sa 2022 elections

Must read

- Advertisement -

NAGPAHAYAG na ng suporta ang dalawang dating pangulo ng bansa matapos nilang iendorso ang tambalang BBM- SARA Uniteam nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice-presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte bilang kanilang opisyal na kandidato para sa darating na halalaan.

Nito lamang Huwebes ay pormal nang nakipag-alyansa ang partido ni dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo na Lakas-CMD (Lakas–Christian Muslim Democrats) at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni dating presidente Joseph Estrada sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinapangunahan ni Marcos at sa Hugpong ng Pagbabago (HnP) ni Inday Sara.

Ang kaganapang ito ay inaasahang mas magpapalakas pang lalo sa tambalang BBM-SARA Uniteam at sa kanilang isinusulong na nagkakaisang pamamahala lalo na’t sila ay nasa proseso na ng pagpapatibay pang lalo ng suporta sa kanilang mga teritoryo o mas kilala sa tawag na “Solid North” at “Solid South.”

Ang alyansang ito ay magbibigay daan din sa isang malakas na political bloc na siyang nakatulong sa kandidatura nina Macapagal-Arroyo, Estrada, at former president Fidel Ramos upang sila ang mahalal na pangulo sa mga nagdaang eleksiyon.

“We have come together on the basis of unity. And it is this unifying forces that I believe will bring the stability back first to the political arena, and secondly, to the country,” ayon kay Bongbong.

Inaasahan naman ni Sara Duterte na ito pa lamang ang simula nang sunod-sunod na pagbuhos ng suporta sa kanilang BBM- SARA Uniteam kasabay ng panawagan sa mga kaalyado na patuloy na manghikayat ng suporta mula sa iba pang mga partido.|-BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -