By VINCENT OCTAVIO
KITANG-KITA sa mga mukha ng mga kabataan ang hilig nila sa paglalaro ng table tennis, kaya naman kanya-kanyang diskarte at liksi ang ipinamalas sa isinagawang Governor Hermilando I. Mandanas 2nd Table Tennis Tournament 2018 na isinagawa sa Batangas Sports Colesium, Hulyo 26-27.
Nilahukan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang bayan sa Lalawigan ng Batangas kabilang na ang Batangas City, Tanauan City, Lipa City, Malvar, Agoncillo Nasugbu at iba pang mga bayan.
Kabilang sa mga kategorya ang 11 under, 13 under, 15 under, 16 to 20 yrs old at 21 and above; at mix double.
Muli na namang namayagpag ang husay at galing ng taga-Malvar na kambal na sina Franz Harvey na nakakuha ng First Place at Franz Kirvy Fagarita na muling nasungkit ang kampyonato sa 13 under category sa pagtuturo ng kanilang trainor na si Mr.Jose Leviste Saludo.
Gayon din, nagpamalas ng husay sa paglalaro ng table tennis si Geoff Cabello na nakasungkit ng unang pwesto sa 11 under category at kabilang sa Team Agoncillo sa pagtuturo ng kanyang ama at tennis player na si Mr. Billy Ray Cabello.
Hindi rin nagpahuli ang galing sa paglalaro ni Amiel John Sumadsad na kabilang sa Team Calaca na nakakuha ng kampyonato sa 15 under category.
Parehas naman nakuha ng magkapatid na Vaughn Aia Gabriel Reyes 12 anyos at Viel Aia Therence V. Reyes 11- taong gulang na kapwa nakuha ang Ikatlong pwesto sa torneo.
Ang mga nagwagi ay nakatanggap ng medal at cash. Sa 3rd place ay medal at 500 pesos, sa 2nd place ay medal at Php 1,000.00 at ang mga Champion ay nakatanggap ng Php 2,000.00 at medal.
Ito ay bahagi parin ng kampanya ng provinsya ng Batangas na mailayo sa masamang paggamit ng iligal na droga ang mga kabataan. Mas mabuti umano na hikayatin ang mga kabataan sa ganitong mg aktibidad upang maipakita ang husay at galing ng mga batang Batangueño.|#BALIKAS_News