Ni JOENALD MEDINA RAYOS
CITY OF SAN PABLO, Laguna – MISTULANG agimat sa laro ng kambal na manlalaro mula sa bayan ng Malvar, Batangas ang angking talent at kagandahang lalaki ng kambal na sina Franz Harvey at Franz Kervy Fagarita upang maiuwi ang kampeonato sa Table Tennis – Mix Double Category, at iba pang premyo sa katatapos na Regional Sports Competition 2018 sa lunsod na ito, Pebro 11-14.
Bukod sa pagiging Mix Double Champion, kapwa naibulsa rin nina Franz Harvey at Franz Kervy at Franz Harvey ang pagiging Second Place – sa Single A at Single B , ayon sa pagkakasunod.
Agaw-pansin sa mga manonood at tagasuporta ang kagwapuhan ng kambal na Grade VI students ng San gregorio Elementary School sa bayan ng Malvar na siyang mga official delegates sa table tennis – Elementary Division at Doubles.
Ayon kay Mharz Babadila, ang coach ng magkapatid “sa skills, wala akong masasabi dyan, kailangan na lang na ma-improve pa ang focus, kasi minsan, kapag dikitan na ang laro ay nape-pressure sila at nawawala na sila sa focus. Kailangan pa rin na mai-focus nila ang kanilang sarili at ang diskarte nila sa laban para sa susunod ay hindi na sila matatalo.”
“Ang gagawin namin ngayon ay continuous training para paghandaan ang laban at makarating sila sa Palarong Pambansa”, dagdag pahayag pa ni Coach Bobadila.
Nakuha naman nina Yael Reyes at Deignzel Josh Dagyapen ang Third Place sa Elementary Division – Doubles ng table tennis.
Matagumpay na idinaos ang taunang kompetisyon na nilahukan ng mga lalawigan ng CALABARZON –Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Iba’t ibang mga laro ang pinaglabanan ng mga estudyante mula sa Elementarya, sekondarya at maging mga estudayante ng Alternative Learning System (ALS).|- May ulat ni Vincent Octavio