25.9 C
Batangas

Farmworker appreciation day, pero parang di naman pinapahalagahan – Imee

Must read

NAGBIGAY ng masinsinang pahayag si Senadora Imee Marcos bilang pagpupugay sa mga Pilipinong magsasaka sa pagdiriwang ng Farmworker Appreciation Day, kahapon Agosto 6, habang nananawagan ng reporma at konkretong aksyon upang tugunan ang matagal nang krisis sa sektor ng agrikultura.

Bukod dito, mariin ding inilahad ng Senadora ang panawagan na magtakda ng farmgate floor price para sa palay at iba pang produktong agrikultural, imbes na puro Suggested Retail Price (SRP) lamang sa palengke ang binibigyang pansin.

“Paano makakabawi ang magsasaka kung binibili ang palay nila ng P15 kada kilo, pero ang gastos nila ay higit pa roon? Panahon na para tayo ay magkaroon ng sariling ‘farm bill’ na may tunay na proteksyon sa presyo at kita ng ating mga bayani sa bukid,” ani Marcos.

Binigyang-diin rin niya ang matinding kakulangan sa post-harvest facilities, gaya ng drying pavements, na nagdudulot ng halos 23% post-harvest loss sa palay dahil sa pagpapatuyo sa mga lansangan.

“Dahil wala tayong maayos na post-harvest support, sayang ang ani ng magsasaka—nadudurog, nadudumihan, nasasayang,” dagdag ng Senadora.

Sa huli, ibinunyag ni Marcos ang lumalalang problemang kinakaharap ng mga magsasaka, kabilang ang pangungutang, kawalan ng kita, at mga ulat ng dumadaming kaso ng suicide sa hanay ng mga magsasaka.

“Masakit man isipin, pero may mga magsasaka tayong pinipiling wakasan na lang ang buhay dahil wala na silang ibang maibenta kundi ang sarili nilang pag-asa. Sa araw na ito ng pagkilala sa kanila, sana’y huwag natin silang kalimutan sa mga panukala, pondo, at prayoridad ng ating pamahalaan,” pagwawakas ng senadora.|

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -