26.5 C
Batangas

Finality sa IRA case decision, hiniling sa SC

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

INAASAHANG tuluyan nang maipatutupad ang Desisyon ng Kataas-taasang Hukuman para sa just share ng mga local government units (LGUs) sa mga buwis na nakokolekta ng pamahalaang nasyunal sa malapit na hinaharap.

Ito’y matapos maghain ng mosyon si Batangas Gov. Hermilando I. Mandanas para magkaroon na ng Entry of Finality of Judgement ang desisyon sa kasong G.R. No. 208488 na ipinalabas ng Kataas-taasang Hukuman noong Hulyo 26 .

Sa Desisyon ng Korte Supremaย  na sumasang-ayon sa consolidated petition na iginiit na ang โ€œjust shareโ€ o Internal Revenue Allotment (IRA) na natatanggap ng mga pamahalaang lokal, ayon sa itinatadhana ng 1987 Constitution, ay dapat nanggagaling sa lahat ng national taxes at hindi lamang mula sa National Internal Revenue o buwis na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Isinumite ni Mandana ang mosyon matapos maghain ng Motion for Reconsideration ang national government, sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General, para lamang sa desisyon sa petisyong nakapaloob sa G.R. No. 208488 na ipinalabas ng Kataas-taasang Hukuman noong Hulyo 26 .

Nakasaad sa motion ng mga petitioners na inihain sa Supreme Court En Banc noong Agosto 28, 2018, na dahil dito, ang desisyon ng Korte Suprema, partikular ang nakasaad sa paragraph 2 ng Dispositive portion nito na sumasang-ayon sa Petisyon sa G.R. No. 199802 patungkol sa pagsasama sa mga buwis na nakokolekta ng Bureau of Customs (BoC) at iba pang tax collecting agencies sa bahagi ng mga buwis kung saan dapat kinukuha ang โ€œjust shareโ€ ng mga pamahalaang lokal ay nagkaroon na ng Finality o dapat nang ipatupad.

Matapos ang huling araw (Agosto 10, 2018) na nakatakda upang mag-sumite ng Motion for Reconsideration ang pamahalaang nasyunal, wala nang natanggap na karagdagang mosyon mula sa mga respondents na kumukwestyon sa pagsasama ng National Internal Revenue taxes (NIRT) mula sa BoC sa tax base.

Paglilinaw ni Gobernador Mandanas, tinatayang madaragdagan ng P250 bilyon sa taong 2019 ang IRA ng LGUs.ย  Binigyang-diin din niyang isa itong makabuluhang hakbang patungo sa isang tunay na local autonomy kung saan ang mga serbisyon ng mga ahensya ng pamahalaang nasyunal ay ipinasa na sa mga LGUs sa pamamagitan ng debolusyon ay mapaglalaanan na ng pondo.

Sa kanyang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte, ipinaala ni Gov. Mandanas na kagaya ng napagtalakayan nila na ang mga basic services ay ibinigay sa mga LGUs para sa implementasyon subalit ang malaking bahagi ng pondo ay naiwan sa pamahalaang nasyunal.ย  Ang SC decision na ito ay ambag upang maisaayos ang kakulangan sa pagpapatupad ng otonomiya na nakapaloob sa Local Government Code.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

INIANUNSYO na ng ilang lokal na pamahalaan sa Lalawigan ng Batangas ang pagkansela ng klase bukas sa ilang lungsod at bayan dito. Sa Batangas City suspendido ang klase sa lahat ng antas sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan dahil...
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ang pagdiriwang ng ika-160 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Apolinario Mabini sa Mabini Shrine Brgy. Talaga, Tanauan City Batangas.ย  Bilang pagpupugay ay nag-alay  ng bulaklak ang Pangulo upang kilalanin ang natatanging kontribusyon ni...
โ€œAng West Philippine Sea ay hindi isang kathang-isip natin lamang. Ito ay atin. At ito ay mananatiling atin, hanggaโ€™t nag-aalab ang diwa ng ating mahal na bansang Pilipinas,โ€ President Marcos said in his third State of the Nation Address...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -