By Joenald Medina Rayos
BATANGAS Capitol – NABULAGA ang mga tumututok sa paghahain ng Certificate of Candidacy nang maghain ng kaniyang kandidatura ang isang dating alkalde na makikipagtapatan kay Gobernador Hermilando I. Mandanas sa darating na eleksyon sa susunod na taon.
Biyernes ng umaga, naghain ng kaniyang Certificate of Candidacy sa pagka-gobernador si dating Mayor Prudencio Gutierrez ng bayan ng Padre Garcia sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC).
Hanggang sa sandaling sinusulat ang balitang ito, si Gutierrez pa lamang ang nakakapaghain ng kandidatura panapat sa nakaupong pununlalawigan.
Sa kaniyang pagdulog sa Comelec, walang kasamang ibang aspirante sa pagkabise-gobernador si Guttierrez, ngunit nagpahayag ito sa Balikas News na maaaring may maghain rin ng kandidatura bilang kaniyang running-mate.| – BNN