25.5 C
Batangas

GAP implementors sa Cavite, kinilala ng DA-Calabarzon

Must read

- Advertisement -

PINANGUNAHAN ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Research Division ang idinaos na Farmers’ Field Day (FFD) ng maggugulay ng Magallanes sa probinsya ng Cavite, Nobyembre 11.

Dito ay ipinresenta ng 59 maggugulay mula sa baranggay Pacheco, Baliwag, Medina, San Agustin, at Ramirez ang mga itinanim na iba’t ibang gulay gaya ng kamatis, upo, at talong na bahagi ng proyektong “Outscaling of Agriculture-based Farming System towards Good Agricultural Practices (GAP) Certification” na pinondohan ng DA Bureau of Agricultural Research (DA-BAR) na sinumulan noong Setyembre 2020 at inaasahang matatapos sa Marso sa susunod na taon.

Ayon kay Gng. Virgilia D. Arellano, DA-4A Research Division Sr. Science Specialist at project coordinator, pangunahing layunin nito na maging GAP certified ang mga maggugulay.

Sa pamamagitan ng pagiging GAP certified, mas mapapalawak ng mga magsasaka ang kanilang market at mas magiging prioridad ng institutional buyers gaya ng malalaking kainanan at pribadong kompanya.

“Kami po ay nagpapasalamat sa ganitong klaseng proyekto ng DA-4A. Malaking tulong po ito sa amin dahil hindi lang basta napaparami at napapaganda ang aming mga ani, matutulungan pa kaming magkaroon ng mas maraming mamimili,” ani Nerissa R. Hernandez, kalihim ng Pacheco Agrarian Reform Cooperative.

Kinakailangang makamit ng mga magsasaka ang sumusunod na pamantayan upang maging GAP certified: ang produktong pagkain ay dapat na ligtas at de-kalidad, inaalagaan ang kalikasan, at isinasaalang-alang ang kalusugan.

Upang makamit ng mga maggugulay ang pamantayan, sumailalim sila sa mga pagsasanay sa good agricultural practices na isinasagawa ng DA-4A mula nang magsimula ang proyekto. Inimplimenta rin nila ang kanilang mga natutunan sa kabuuan ng planting aseason gaya ng angkop na paglalagay ng mga abono at pestisidyo ayon sa isinagawang soil analysis ng Kagawaran.

Pinaplanong sumailalim sa inspeksyon ang mga maggugulay sa Pebrero ng susunod na taon. Ito ang huling hakbang para maging GAP certified na ang mga maggugulay.

“Binabati ko po kayo sa inyong farmers field day. Kita naman po natin ang bunga ng ating pagsisikap. Sana ay magpatuloy tayo sa pagtutulungan upang makamit natin ang iisa nating hangarin na maging GAP certified po kayo. Dahil po mas magiging malaki ang inyong laban sa merkado kapag na-certify kayo,” ani DA-4A Research Division OIC-Chief Eda F. Dimapilis.

Isa pa sa layunin ng proyekto ay ang tulungan ang mga maggugulay ng diversed farming o ang sabay-sabay na pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay sa isang planting season. Sa pamamagitan nito ay mapapanatili ang kanilang mataas na kita kahit sa panahong ang ibang gulay na kanilang itinatanim ay mababa ang demand o presyo sa merkado.|-BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

“KAY hirap mamaalam sa mahal sa buhay na hindi ko man lang namasdan, lalo pa’t higit limampung taon na kami magkasama.” Ito ang tumatangis na pahayag ni Nanay Petronila Daño, asawa ni Mamay Florencio Daño, sa isinagawang ritu ng pamamaalam...
MULING nagkaroon ng phreatic eruption ang Bulkang Taal, ganap na alas 9:29 kaninang umaga na tumagal hanggang alas 10;33 ng umaga, Nobyembre 6. Sa videong kuha ng Talisay Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (Talisay MDRRMO), kapansin-pansin ang pagbuga...
AboitizPower through its geothermal arm, AP Renewables Inc. (APRI) and its CSR arm - Aboitiz Foundation Inc. (AFI) showed its support to its host communities in MakBan (Calauan and Bay in Laguna and Sto. Tomas City in Batangas); and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -