Kasalukuyang ginaganap ang inaabangang Global Youth Summit sa SM City Sto. Tomas, isang mahalagang kaganapan na nagsisilbing plataporma upang marinig ang boses ng mga kabataan at bigyang solusyon ang mga usaping may kinalaman sa edukasyon, kalusugan, karapatan, at kapaligiran, Hunyo 22.

Ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Arth Jhun A. Marasigan, Vice Mayor Cathy Jaurigue-Perez at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, ay patunay ng kanilang paniniwala na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan; at ang hangaring bigyan sila ng pagkakataon na maging aktibong kalahok sa paghubog ng mas masiglang kinabukasan.|

