26.7 C
Batangas

Good Agricultural Practices on Vegetable Production, isasagawa ng Prov’l Agri

Must read

- Advertisement -

By KIMZEL JOY T. DELEN at CECILEI DE CASTRO

SA pangunguna ng Provincial Agriculture Office (PAO), na pinamumunuan ni Engr. Pablito Balantac, katuwang ang Agricultural Training Institute (ATI), isasagawa ang isang pagsasanay ng Farmers’ Field School (FFS) on Good Agricultural Practices (GAP) on Vegetable Production na ilulunsad sa Provincial Demonstration Farm, Diversion Road, Bolbok, Batangas City sa Abril 26, Huwebes.

Ang naturang pagsasanay tungkol sa Good Agricultural Practices for Vegetable Production, na gagawin isang beses isang linggo sa loob ng 16 na linggo, ay lalahukan ng 30 farm workers at Agriculture Extension Workers mula sa PAO. Sa panayam sa mga PAO Agri-cultural Technologists na sina Diana Rose Panaligan Manoy at JM Pangilinan, ang pag-aaral ay nakatuon sa varietal differences ng apat na uri ng commodities na upo, sili, sibuyas at sitaw sa pamamagitan ng GAP concepts.

Ang GAP ay kinabibilangan ng mga principles, regulasyon, at mga teknikal na rekomendasyon na angkop sa produksyon; pagpo-proseso at pagbibiyahe ng mga gulay; pagbibigay pansin sa pangangalaga ng kalusugan ng mga tao; pagprotekta sa kalikasan; at pagsasaayos ng kondisyon ng mga nagtatrabaho at ng kanilang pamilya.

Layunin ng nasabing pagsasanay na maipakilala ang iba’t ibang GAP sa Lalawigan ng Batangas, partikular ang makapagbigay kaalaman sa mga kalahok ng tungkol sa guidelines at principles nito; mapahusay ang kapasidad sa vegetable production; makapaggawa ng mga demonstrasyon para sa varietal differences ng apat na commodities at higit sa lahat ay ang mapagtapos ang 30 magsasaka FFS GAP para sa Vegetable Production. Ito ay sang-ayon sa programang pang-agrikultura at pangkabuhayan ni Gov. Dodo Man-danas.

Ang FFS ay karaniwang binubuo ng 25-30 magsasaka na sasanayin sa iba’t ibang pamamaraan sa pagsasaka. Ang pagtuturo na mayroong lecture/discussion ay naka-depende sa pangangailangan ng mga kalahok, open forum, group dynamic, at actual/hands-on demonstration.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -