By JONATHAN MACARAIG
Pinangunahan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng Soroptimist International Kabatangueña, sa pangunguna ng pangulo nitong si 5th District Board Member Claudette Ambida-Alday, sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City, kamakailan
Ang Soroptimist International ay isang pandaigdigang boluntaryong kilusan na sama-samang nagsisikap upang maiangat ang buhay ng mga kababaihan. Hangad ng samahan na makamtan ng mga kababaihan na maabot ang kanilang potensyal at mga mithiin sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga socio-economic programs.
“Our aim is to be the voice of women and to empower women,” pahayag ni Soroptimist International Kabatangueña president at Bokal Ambida-Alday.
Kabilang sa mga opisyal ng Batangas City-based Soroptimist sina Batangas City Councilor Alyssa Cruz bilang Vice President; Marielle Diaz bilang Secretary; Isabelle Loyola, Treasurer; at Aileen Damirez, Auditor.|Jonathan Macaraig