27.3 C
Batangas

Gumaling ng CoVid-19 patient, nagpositibo muli at namatay

Must read

- Advertisement -

By BNN Reportorial Team

SAN JUAN, Batangas – KAPWA ikinalungkot at ikinagulat ng mga residenteng bayang ito sa Silangang bahagi ng Batangas ang nagging kapalaran ng isang residenteng dati ng nakarekober sa sakit na CoVid-19

Nito lamang Linggo, Agosto 9, iniulat ng Municipal Epidemiology Surveillance Unit (MESU) ng San Juan Municipal Health Office na nagpositibo muli sa CoVid-19 ang naitalang kauna-unahang CoVid-19 case sa bayang ito na naideklara nang fully-recovered noong Mayo 1, 2020.

Nabatid din na sumakabilang-buhay na siya noong Martes, Agosto 4, at sa raw ding iyon, nakunan pa ng swab specimen ang pasyenteng 60-taong gulang na lalaki na residente ng Barangay Mabalanoy; at nito nga lamang Linggo, lumabas ang resulta na nagpositibo ngang muli ang biktima.

Ipinagtataka naman ng mga residente ng bayang ito kung paaanong nagpositibo muli sa Covid-19 ang isang pasyente, gayong ayon sa ilang impormasyon ng Department of Health ay hindi na maikokosiderang bumabalik o nagpopositibo muli ang isang nakarekober na pasyente at kung magpositibo man sa isang test ay nangangahulugan lamang na may mga naiwang antibodies ng covid-19 sa sistema ng isang nakarekober na pasyente.

Ayon pa sa ulat ng MESU-MHO, may iba pang sakit ang namatay na pasyente na nakapagbiyahe pa patungo sa Lungsod ng Lipa makalipas unang makarekober sa sakit.

Hanggang sa sandaling sinusulat ang balitang ito, may 28 kumpirmadong kaso ng CoVid-19 sa bayan ng San Juan, sa bilang na ito, 19 dito ay active cases, 6 ang recovered at 3 ang pumanaw na.| – BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -