By JOENALD MEDINA RAYOS
ROSARIO, Batangas โ PATAY sa isang buy-bust operation sa bayang ito ang itinuturing na high value target (HVT) sa kadikit na bayan ng Ibaan matapos makipagpalitang-putok sa mga operatiba, samantalang nakatakas naman ang isang kasamahan nito.
Sa ulat ni Police Major Jaime S. Pederio Jr., hepe ng Rosario Municipal Police Station kay PCol Edwin Quilates, Provincial Director, nagsagawa ng isang buy-bust operation ang Rosario MPS Drug Enforcement Team bandang alas-dos ng madaling-araw nitong Martes, Hunyo 4 sa Brgy. Maligaya, sakop ng bayang ito.
Ngunit nang aarestohin na umano ng mga operatiba ang suspek na nakilalang si Nicky Alcantara Corachea, pumalag ito at kaagad na dinukot ang sariling baril at saka pinaputukan ang mga pulis. Kaagad namang nakaganti ang mga operatiba at tinamaan ng bala ang suspek sa ibaโt ibang bahagi ng katawan.
Kaagad ding isinugod sa Christ the Saviour Gen. Hospital ang sugatang suspek ngunit idineklara ring dead on arrival ng nasabing pagamutan. Malaya namang nakatakas ang kasamahan nito.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang humigit-kumulang sa 5 gramo ng hinihinalang shabu, P15,000 marked money, isang kalibre 45 walang serial number, 3 basiyo ng bala ng kalibre 45, at dalawang basiyo ng bala ng caliber 9mm. Narekober din ang cellphone ng suspek, brown wallet nito at dalawang coin purse na may alamng P700 cash sa ibaโt ibang denominations.
Bago ang operasyon, nauna nang naaresto ng mga tauhan ng Ibaan Municipal Police Station ang susppek na si Corachea dahil sa katulad na kaso ng paglabag sa batas kontra iligal na droga ngunit muli itong nakalaya noong taong 2018 matapos sumailalim sa Plea Bargaining Agreement.
Naniniwala ang pulisya na sa pagkamatay ng suspek ay malaki ang ikabababa ng kaso ng iligal na droga sa nasabing bayan.|#BALIKAS_News