26.1 C
Batangas

Higit P200-M halaga ng shabu, narekober sa Naic, Cavite

Must read

- Advertisement -

CAMP VICENTE LIM – INIUTOS ni Acting Regional Director PBGen Jack L. Wanky ang masusing imbestigasyon kaugnay sa pagkakarekober ng tinatayang 30 kilo ng hinihinalang shabu na natagpuan sa kahabaan ng Friendship Road, Brgy. Sabang, Naic, Cavite noong Hunyo 20, 2025.

Batay sa paunang imbestigasyon, isang security guard ng bakanteng lote ang nagbigay-impormasyon sa nagpapatrolyang pulis ng Naic Municipal Police Station tungkol sa isang iniwang kulay berdeng maleta sa gilid ng kalsada sa Friendship Village, Brgy. Sabang, Naic, Cavite. Nang siyasatin ng pulis ang nasabing maleta, nadiskubre nila ang tatlumpung (30) heat-sealed na pakete ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride (shabu) na may tinatayang kabuuang timbang na 30 kilo at may Standard Drug Price na humigit-kumulang Php 204,000,000.00.

Pinuri ni PBGen Jack L. Wanky, Acting Regional Director ng PRO CALABARZON, ang pakikiisa ng mga concerned citizen sa pagrereport ng insidente. Iniutos din niya sa mga tauhan ng Naic MPS na magsagawa ng masusing imbestigasyon ukol sa pagkakadiskubre ng malaking halaga ng ilegal na droga sa Naic, Cavite.

“Lubos ang aming pasasalamat sa ating mga kababayan, lalo na sa mga concern citizen na hindi nag-atubiling ipagbigay-alam sa kapulisan ang tungkol sa natagpuang malaking halaga ng hinihinalang shabu. Ang inyong pakikiisa at tiwala sa ating kapulisan ay nagbibigay daan sa mabilis na aksyon. Sisiguraduhin naming mahuhuli at mapapanagot ang mga sangkot sa ilegal na transaksyon ng droga dito sa bayan ng Naic,” ani PBGen Wanky.

Samantala, ang nakumpiskang ebidensyang droga ay maayos na isinailalim at itinurn-over sa Cavite Provincial Forensic Unit para sa Laboratory Examination.| (RPIO4A)

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

BATANGAS Capitol – “HINDI pa talaga tapos ang pulitikahan sa Batangas”, a high ranking official at the Batangas capitol quipped shortly before noon of...
A Catholic bishop has raised alarm over a recent Supreme Court decision nullifying Occidental Mindoro’s 25-year moratorium on large-scale mining, warning that it could...
The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines on Saturday elected Archbishop Gilbert Garcera of Lipa as its next president. The election took place on the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -