24.3 C
Batangas

Husay ng kababaihan sa pamumuno, ibinida ni Marcos sa Women’s Month Celeb

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – MAY pagmamalaking ibinida ni Ilocos Norte governor at senatorial candidate Imee Marcos ang aniya’y husay at galing ng kababaihan sa pamumuno at ang mahalagang papel ng kababaihan sa lipunan sa kaniyang pagbaliksa Batangas bilang guest speaker ng Joint Calabarzon Regional and Batangas Provincial Women’s Month celebration, Marso 28.

- Advertisement -

Aniya, kakaiba ang consultative leadership na istilo ng pamumuno ng kababaihan na kung papaano mangasiwa sa mga tahanan, pamilya at komunidad, iyon din ang istilo ng pamumuno na sinusunod ng kababihan sa serbisyo publiko.

“Sanay na sanay tayo sa pamilya, na lahat ng kamag-anak, ay kinukuha ang concensus kapag may problema upang makuha ang iisang desisyon. Walang mintis yun, nakapka-successful, dahil napaka consultative.  Kung ano ang sistema nating dinadala sa pamilya ay yun na rin ang dinadala nating mga babae sa serisyo publiko. Kaya maraming babae na nagiging matagumpay sa pamumuno,” dagdag pa ni Marcos.

Samantala, iniisa-isa rin ng opisyal ang ilang isyu sa kababaihan na aniya’y nararapat lamang bigyang pansin sa kasalukuyang panahon.

Una, sa nakikitang patuloy at mabilis na pagsulong ng CALABARZON na ngayon ay nilampasan na ang Metro Manila sa maraming aspeto, hindi dapat naiiwan ang kababaihan at patuloy na ituring na ang kinikita sa hanap-buhay at negosyo ng kababaihan ay laging secondary o supplementary income lang.

“Ang katotohanan, katorse milyones (14,000,000) na ang solo parent sa Pilipinas. Dahil siguro sa modernization, katulad dito sa Calabarzon , dahil siguro sa migration, OFW, at absentee parents. Talagang napakarami na ang solo parent ditro sa atin. Marami rin, kahit na hindi solo parent, sila pa rin ang inaasahan , kaya dapat sigurong bigyang-diin at bigyan ng importansya na hindi lamang secondary income ang naiibigay nila,” pagkukwento ni Marcos.

Gayundin naman, “ang kalusugan ng kababaihan ay isyu sapagkat tayo ay inuuna pa yung anak, inuuna pa yung asawa, magulang, subalit kung buntis, siya ang pinakadelikado , pinakahirap sa ating pamilya. Sapagkat ang numero natin sa maternity, sa mortality sa maternal morbidity ay napakataas pa rin.”

INENDORSO ni Batangas governor Hermilando I. Mandanas ang kandidatura ni Ilocos Norte governor Imee Marcos sa pagka-senador sa joint regional and provincial celebration ng Women’s Month, Marso 28.

Binigyang-pansin din niya ang isyu ng karahasan sa kababihan at mga bata.

“Napakadami ng issues tungkol sa kababaihan, subalit para sa akin, sa kabila ng mga domestic violence, sa mga incestuous rape na naririnig natin, sa mga OFW, na talagang nagkakaroon ng problema, hindi ba kayo nasisindak sa mga karumal-dumal na krimen kontra sa kababihan at sa mga bata? Araw-araw pag binuksan ang pahayagan, ay naging pangkaraniwan na lamang itong mga heinous crimes na sinasabi, napakahirap, talaga naman…”

Dahil dito, hinikayat niya ang mga nagsidalo sa naturang pagtitipon na mas maging mapanuri at maging aktibong sektor sa lipunan.

“Palagay ko, ang kababaihan ngayon sa bagong milenyo, sa taon ng 2019 , ay may katungkulan  at may responsibilidad na bigyan ng konting pag-unawa, ng konting lambot, ng konting giliw at saya, ang ating buhay. Siguro, old style ito, pero sabihin na nating laos, ang ating mundo ay napakalupit, napakahirap, puro karahasan, at kahirapan…”

“Palagay ko, ang pag-uunawa ay napaka-importante, at kung minsan ang pagiging tama, ang pagiging wasto, ang pagiging istrikto ay mas maganda pa rin ang pagiging ina, na maunawain at nakakapagpatawad. Ang kapatawaran ay mas importante sa kabila ng hustisya , mercy in deed, compassion and kindness . Ito yung mga sinasabi na sana ibigay ng kababihan  hindi lamang sa pagiging lider , hindi lamang sa ekonomiya,  kundi sa buong lipunan na tuluy-tuloy na nagiging marahas  at malupit.

Mas makabubuti aniya, kung sabay-sabay ang kababaihan na magbibigay ng konting giliw, ng konting lambot, ng konting kasiyahan  sa mundo, sa mga anak, at higit sa lahat, sa mga pamilya.

Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga lider kababaihan ng iba’t ibang ahensya at samahang sibiko at mga delegado mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.

Binati rin ni Marcos ang papel ng mga pribadong samahan ng kababaihan sa rehoyon gaya ng Samahang Batangueña ng Southern Tagalog na pinamumunuan ni Atty. Regina Reyes-Mandanas, maybahay ni Batangas governor Hermilando I. Mandanas.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest article