25.4 C
Batangas

Huwarang Pamilyang Batangueño 2018, kinilala

Must read

- Advertisement -

ALINSUNOD sa Proclamation No. 60 of 1992, ang huling linggo sa buwan ng Setyembre bawat taon ay itinakda ng pamahalaan bilang Family Week. Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Pamilya ay isinasagawa upang kilalanin ang Pamilyang Pilipino bilang pundasyon ng bansa at isang pangunahing institusyong panlipunan.

Kaugnay nito, bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, muling isinagawa sa ika-23 taon ang paggagawad ng parangal sa mga Huwarang Pamilyang Batangueño  na ginanap sa Batangas Pastoral Center, Basilica of the Immaculate Concepcion, Setyembre 24.

Ang programang ito ay taunang isinasagawa sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO kung saan kinikilala ang mga natatanging pamilya sa lalawigan para sa kanilang kagalingan at pagsisikap sa kabila ng pagkakaroon ng mga hamon at sa pagiging simple sa pamumuhay.

Ang naturang pagdiriwang ay naka-sentro sa temang “PAMILYA – Tanglaw ng Liwanag, Kagalakan ng Pag-ibig”.

Binigyan ng parangal sa okasyon ang mga huwarang pamilya sa iba’t ibang bayan at lunsod sa Batangas Province na magsisilbing modelo sa ibang mamamayan dahil sa pagpapakita ng mabuting halimbawa, hindi lamang sa kanilang sariling tahanan, kung hindi pati na rin sa kanilang pamayanang nasasakupan.

Kinilala bilang Huwarang Pamilya 5th Placer sina Mr. Lamberto Abacan at Mrs. Teodora Abacan ng Brgy. Conde Labac, Batangas City na nag-uwi ng Php10,000.00. Nakuha naman ng pamilya nina G. at Gng. Florencio Erlinda Encarnacion ng Brgy. Sampaloc, Talisay, Batangas ang 4th Place na may halagang Php15,000.00. 3rd Place naman ang pamilya nina G. Manuel at Gng. Felisa Carandang ng Brgy. Banjo East, Tanauan City, Batangas na nag-uwi ng Php20,000.00. Ang pamilya nina G. Julie Ticatic at Gng. Carmelita Ticatic ng Brgy. 1, Mataas na Kahoy, Batangas ang naging 2nd Placer at naiuwi ang halagang Php25,000.00

Itinanghal naman bilang 1st Place at nakakuha ng titulong Huwarang Pamilyang Batangueño 2018 ang pamilya nina G. at Gng. Mansueto at Eva Camilan na nagmula sa Brgy. San Isidro, Taysan, Batangas at nagkamit ng premyong Php30,000.00.

Sa naging panayam ng radio program na B’yaheng Kapitolyo kay Reverend Gregorio V. Aguila, Jr. pangulo ng Pamilyang Huwaran sa Lalawigan ng Batangas Incorporated (PHLBI), nagsimula ang Huwarang Pamilya sa lalawigan noong taong 1995 sa ilalim ng unang termino at panunungkulan ni Gov. Dodo Mandanas.

Ito ay binuo katulong ang mga kinatawan ng iba’t ibang pribadong sektor at ahensya ng gobyerno kung saan ang layunin ay makahanap sa mga bayan at lunsod ng mga pamilyang magsisilbing ilaw at asin upang maging modelo sa mga mamamayan na magsikap na mapalakas at mapanatiling matatag ang kanilang mga pamilya tungo sa isang mapayapa, maunlad at higit sa lahat nakasentro sa Panginoon.|Mark Jonathan M. Macaraig

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
BATANGAS City — After nine (9) months of rolling out the Master of Disaster (MOD) board game across 16 schools in Batangas City, Shell Pilipinas Corporation Master of Disaster program culminated its first run last Friday, September 6, 2024...
CITY OF CALACA, Batangas – “NARINIG na natin ang Boses ng Partido! Nagpasya na ang partido sa apat na dapat nating suportahan sa mga darating na araw. Sila ang aking magiging katuwang sa Tamang Gawa, Tamang Pamamahala, para sa...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -