34 C
Batangas

‘Ikalwang ayuda ng kapitolyo sa barangay, maaring ibili ng relief packs’ – Leviste

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

NILINAW ni Vice Governor Mark Leviste sa mga konsernadong barangay na maaaring ibili ng mga ng mga relief packs o mga pangunahing pangangailangan para sa mga resipiyente ang ikalwang ayuda ng pamahalaang panlalawigan sa mga barangay ngayong ipinatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Sa eksklusibong panayam ng BALIKAS News, sinabi ni Leviste na bagaman at may tagubilin na inilabas ang kapitolyo ukol sa disbursement o pamamahagi ng nasabing ayuda, nilinaw ng bise gobernador na nagbaba na rin ng dagdag na paliwanag o gabay sa mga barangay sa paggastos ng nasabing ayuda.

Ang bawat isa sa 1,078 barangay sa lalawigan ay pawang tatanggap ng ikalwang ayuda, dependa sa bilang ng populasyon sa bawat barangay, na mya kabuuang P72-milyon. Ito ay batay sa Supplemental Budget na pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan nitong Abril 3. |

Ganito ang nilalaman ng paliwanag ni Gobernador Mandanas:

MGA MINAMAHAL KONG KABABAYAN:

Ito ay dagdag na paliwanag ukol sa ₱72 Million Provincial Assistance Project Against COVID-19 (PAPAC) ng Lalawigan ng Batangas na ipamamahagi ngayong araw, April 6:

1) Hindi labag sa Guidelines sa pagpili at paggamit ng Cash Assistance na ₱72M na KUNG ang mga napili sa Barangay na tumanggap ng Cash Assistance mula sa Province ay TITIPUNIN ang tinanggap nilang cash at IBIBILI na lamang ng bigas para IPAMIGAY SA KARAMIHAN sa kani-kanilang Barangay;

2) Mayroon pa kayong DAGDAG na tulong na matatangap mula sa Lalawigan ng Batangas sa buwang ito ng Abril. Kaugnay ito ng inaasahan nating tulong mula naman sa Pamahalaang National;

3) Ang ating mga mamayanan ay DAPAT tumanggap din ng tulong mula sa Pamahalaang LUNGSOD o BAYAN at BARANGAY, na magmumula sa kani-kanilang Calamity Fund.

Salamat sa Panginoon, at sa ating pagkakaisa at pagtutulungan.

(Lgd.) Hermilando I. Mandanas, Pununglalawigan

| – BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Kamote on wheels

0
HAVE you ever been stuck in traffic—tired, frustrated—when, out of nowhere, a motorcycle cuts through dangerously close, jolting you awake? Chances are, you have...
IN the vibrant and chaotic terrain of politics, one wonders at the relentless allegiance many people show toward politicians with dubious credentials and moral...
Biologists from the University of the Philippines Diliman – College of Science, Institute of Biology (UPD-CS IB) call for further and more in-depth surveillance...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -