30 C
Batangas

Ilang SAP beneficiaries sa Calaca, nagsauli ng pera

Must read

- Advertisement -

CALACA, Batangas – MARAMING benepisaryo ng  Social Amelioration Program sa bayan ng Calaca ang nagsauli ng pera sanhi ng iba’t-ibang kadahilanan.

Ayon kay Calaca Municipal Social Welfare and Development Officer Maharani Babasa, ilan sa mga nagbalik ng pera ay nakitang miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), may iba naman na kabilang sa nakakatanggap ng Social Pension para sa mga senior citizens.

“Ngayong araw po ay may 16 na kaming naitala na nagsauli ng pera dahil nakita namain sa aming master lists na sila ay miyembro ng 4P’s o kaya ay may social pension. May ilan din na nakakuha na ang kanilang mga asawa sa ibang barangay dahil dalawa ang kanilang tinitirahan kaya’t agad nilang isinoli ito. Inaasahan po natin na madaragdagan pa ang bilang ng mga magsasauli dahil ngayon ang huling araw ng pamamahagi namin ng ayudang ito”, ani Babasa.

Aniya pa, napakadami ng umaasa na maging benepisaryo ng programa at isang magandang halimbawa ang ginawa ng mga taong nagsauli ng pera dahil maiibigay nila ito sa mga taong mas nangangailangan lalo at sa panahon ngayon na karamihan ay tigil ang paghahanap-buhay at walang pamamaraan upang sila ay kumita at maitustos sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Sa panayam kay Norberto Vidal, residente ng Brgy. Pantay Pag-asa, dalawa ang kanilang tinitirahan dahil nakatira rin sila sa Brgy. Dacanlao at pareho siyang nabigyan ng SAP form sa dalawang barangay.

“Hindi ko po nais na makadoble ng SAP, kaya lamang po kami nag-fill up ng form ay dahil gusto naming makasiguro na kung hindi naaprubahan ang isa ay may isa pa kaming maaaring asahan. Mahirap po ang aming tayo dahil wala kaming naitago kahit isang kusing noong magkaroon ng lockdown. Hindi ko naman po maaatim na kunin pa ang sobrang pera dahil alam ko po na marami pa ang nais makinabang sa programa. Hindi naman po kami pinapabayaan ng local na pamahalaan dahil may mga ayudang bigas at manok po para sa amin”, ani Vidal.

Aniya pa, wala siyang inaasahan kundi ang pagiging construction worker at ang kanyang asawa ay maybahay at wala ding kita kaya’t nang ipatupadang Enhanced Community Quarantine ay umaasalamangsilasatulong ng kanyangkapatid.

Sinabi naman ni Bernadette Aala, residente ng Brgy. Bisaya na isa din sa nagsauli ng pera, ang kanyang asawa ay nakatanggap na ng ayuda sa Brgy. Bagong Tubig kung saan ito ay nagtatrabaho bilang construction worker. “Naging tapat po ako dahil alamko pong maraming tulad ko ang kailangan ang ayudang iyon at dahil nabigyan naman po ang aking asawa mas dapat na ibigay ito sa mas karapat-dapat at iba pang kababayan naming na nangangailangan”,ani Aala.|Bhaby de Castro, PIA-Batangas

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BATANGAS -- Individuals transferring ownership of properties by way of succession would not need to pay for charges and interests for delayed payment of transfer taxes as the Sangguniang Panlalawigan acted on it with promptness, September 2. In a regular...
SAN JUAN, Batangas -- IN relation to the published Tropical Cyclone Bulletin Nr 08 issued by PAGASA as of 09:00 AM, September 02, 2024, the Philippine Coast Guard - San Juan Sub Station temporarily suspends voyages of all vessels/watercrafts...
NANAWAGAN si Balayan mayor JR Fronda sa publiko ng ibayong pag-iingat at kaagad na magreport sa kanilang barangay o sa kanilang rural health unit, o maging sa mga lingkod ng bayan, kung sakaling may makitang sintomas ng monkey...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -