28.9 C
Batangas

Imee: Di pa kumpleto ang pagpulot ng aral sa Typhoon Yolanda

Must read

- Advertisement -

KAILANGAN pang tapusin ng gobyerno ang rehabilitasyon sa mga lugar na nasalanta ng Typhoon Yolanda, upang masabing natutunan na natin nang buo ang mga leksyon nito, sinabi ni Senador Imee Marcos.

“Pasalamat na lang ang Bicol at Southern Tagalog region ay natuto na sa Tacloban, Leyte at lahat ng biktima ng Yolanda makaraan ang pitong taon,” ayon kay Marcos, na tumutukoy sa maagang paglikas ng mga residente bago pa man masalanta ng Bagyong Rolly nitong nagdaang linggo.”

Ang mababang bilang ng mga namatay sa pananalanta ni Rolly ay indikasyon  na nakita na ng mga awtoridad at mga residente ang kahalagahan ng paghahanda at kooperasyon ng maaga bago pa man hagupitin ng mga kalamidad, paliwanag ni Marcos.

“Malaki ang naging kontribusyon sa calamity response ng gobyerno ang mabilis na pagkakasa  ng mga rescue equipment at relief goods ng trained na tauhan ng militar at pulis na nakipag-koordinasyon sa NDRRMC, gayundin ang walang tigil na weather update ng PAGASA,” ayon kay Marcos. 

“Pero kaya pa natin itong mas mapabuti,” ayon kay Marcos na humihimok na dapat tuloy-tuloy ang dredging o paghahalukay ng mga ilog, pagtatanim ng mga puno sa mga watershed at mga kabundukan para maiwasan ang pagguho ng lupa, at ang istriktong pagbabantay para hindi matayuan ng mga bahay ang mga “no-build no-reside zone.”

“Ang masakit na katotohanan ay yung mga biktima ng Yolanda, maging sa Marawi Siege, yung lindol sa Bohol at Davao, at maging nangyaring sunog sa Zamboanga ay hindi pa rin nakalilipat sa kanilang bagong tirahan dahil hanggang ngayon ay ‘di puwedeng tirhan, o ‘di pa naisasaayos muli ang kanilang dating buhay sa komunidad at maging hanapbuhay,” ani Marcos.

Sa halip na ang “napakagastos” na Department of Disaster Management, iminungkahi ni Marcos ang mas simpleng National Disaster Administration sa ilalim ng Office of the President na direktang magsasanay ng mga tauhan para sa search-and-rescue operations, magsisiguro ng malinis na tubig sa mga lugar na nasalanta sa pamamagitan ng water filtration at purification facilities, at pagkuha ng mga psychologist na may kasanayan sa post-traumatic stress.

“Bunsod ng Covid wala tayong kakayahang magpasahod ng limang undersecretaries at libu-libong personnel at magtayo ng bagong gusali para sa isang bagong departamento ng gobyerno,” ani Marcos.

“Kahit pa may sapat tayong pondo, ang tanong ay kung may mga specialized skilled workers ba tayo na kayang manduhan ang isang buong departamento?” dagdag ni Marcos.| – BNN 

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

San Miguel Corporation (SMC) is undertaking the P44.77-billion Nasugbu-Bauan Expressway (NBEX) project that will provide a faster connection between the eastern and western portions of Batangas province. This comes after the Batangas provincial government granted the company’s infrastructure arm, SMC...
The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
Responsive and committed government financial institution. In pursuit of its commitment to help other government institutions in optimizing operating efficiency and public service, the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) turned over previously used office, furniture, and IT equipment to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -