BAUAN, Batangas โ KINILALA ng multi-biyonaryong mamumuhunan na siย Enrique Razon ang maayos na road network sa Batangas na siyang susi upang maglagak ng naturang negosyante ng $800-milyong pamumuhunan sa Lalawigan ng Batangas.ย
Sinabi ni Christian R. Gonzales, executive vice president ng International Container Services Inc. (ICTSI) na pangunahing ikinonsidera ni Razon sa paglalagak ng pamumuhunan ang pakapagbukas ng Bauan-San Pascual-Batangas City Diversion Road na kumonekta sa Startollway na isang mahalagang factor sa operasyon ng kanilang negosyo.
Pinasalamatan din ni Razon si dating Batangas Congressman Raneo E. Abu sa kaniyang vision na i-connect ang Bauan sa Southern Luzonโs tollways network upang buksan ang oportunidad ng Batangas na maging tunay na alternative hub sa Manila International Container Port (MICP).
Nitong nakalipas na Lunes, inianunsyo ni Gonzales ang pag-apruba ni Razon para sa pagtatayo ng dambuhalang terminal facility sa Bauan International Port na nagkakahala ng $800-milyon (Php 45.9-bilyon).
Ayon kay Gonzales, ito ang magiging pinakamalaking seaport sa bansa na pamumuhunanan ng pribadong sektor; at siya ring pinakamalaking pamumuhunang pang-imprastraktura sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Sisimulan ang konstruksyon ng mga pasilidad pagpasok ng taong 2025 at inaasahang matatapos sa pagtatapos ng taong 2027, na lilikha naman ng libu-libong trabaho para sa mga mamamayang Pilipino.
โThe new terminal represents a significant leap forward for Southern Luzon. We are building a world-class facility that will unlock a wave of economic benefits for the region and the country. It will create new employment opportunities, improve the quality of life for our host communities and the industries located around the terminal, and solidify Southern Luzonโs position as a key player in global trade,โ pahayag ni Gonzalez.
โThe terminal is also expected to play a role in providing the marine handling needs required by the countryโs renewable energy transition strategy for Southern Luzon,โ dagdag pa ni niya.
Bukod sa Bauan-San Pascual-Batangas City Diversion Road, isinulong din ni Abu ang pagbubukas ng Bauan-San Luis, Lemery By-pass road, samantalang nakapakda namang buksan ang Bauan-Nasugbu Expressway na proyekto ng San Miguel Corporation.|- Joenald Medina Rayos