30.6 C
Batangas

Integridad ng Sangguniang Bayan, prayoridad ni VM Malinay

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

LIAN, Batangas – “MANANATILI po ang pinakamataas na pagpapahalaga sa integridad ng Sangguniang Bayan bilang isang mahalagang haligi ng ating pamahalaang local at maaasahang katuwang sa paghahatid ng tunay na serbisyo sa ting mga mamamayan.

Ito ang ibinahagi sa BALIKAS News ni Kagalang-galang Leo Malinay, matapos makapanumpa bilang bagong bise-alkalde ng bayan ng Lian nitong nakalipas na linggo. Si Malinay, bilang nangungunang kagawad ng Sangguniang Bayan dito ang otomatikong naging bagong bise-alkalde matapos mabakante ang posisyon, kasunod naman ng pag-akyat sa posisyon ni dating bise-alkalde Joseph Peji sa nabakanteng posisyon ng pagka-alkalde ng Lian bunsod ng pagkamatay ni mayor Isagani Bolompo na tinamaan ng sakit na corona virus desease 2019 (CoVid-19).

Ayon pa kay Malinay, hindi man niya inakalang sa ganitong paraan siya aakyat ng pwesto at sa panahong ito ng pandemya siya magiging bise-alkalde, tinitiyak naman niya sa kaniyang mga kababayan na handing-handa siya sa posisyong hawak niya ngayon sapagkat naging napakaganda aniya ng kaniyang karanasan bilang pangulo ng Philippine Councilors League-Batangas Chapter. Hindi niya aniya sinayang ang panahong maging kinatawan ng liga sa Sangguniang Panlalawigan at naglingkod siya ng tapat at makabuluhan, lalo na sa mga komite na kaniyang nilahukan bilang tagapangulo o bilang kasapi man.

“Sa aking pag-upo bilang vice mayor ng Lian, isinisiguro ko naman sa aking mga kababayan na ang Sangguniang Bayan ay gaganap ng naaayon sa kaniyang tunay na papel sa ilalim ng batas, bilang katuwang sa pagbalangkas ng mga programa, aaraling mabuti ang pagpapasa ng budget, at gaganap bilang mahalagang sangkap sa check and balances ng mga programa sa lokal na pamahalaan ng Lian,” pahayag pa ni Malinay.

Si Vice Mayor Malinay ay naglingkod bilang pangulo ng liga ng mga kagawad kapatid ni dating PCL-Batangas president Mildred Sanchez ng Nasugbu; at nabigyan ng panibagong mandato ng muling mahalal bilang pangulo muli ng liga noong taong 2019. Bilang pangulo ng liga, naging aktibo at kilalang lider siya ng PCL-National Council at pinagkatiwalaan naming maging tagapangulo ng maselang Committee on Ways and Means ng Sangguniang Panlalawigan.

Nagtapos ng Bachelor of Science in Commerce, kumuha rin si Vice Mayor Malinay ng Short Course on Leadership and Governance sa Washington College, USA.; at kumukuha naman ngayon ng Doctorate on Public Administration. Naging consultant rin siya sa Department of Finance, Environment & Natural Resources at sa Center for Legislative Development.| – BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

San Miguel Corporation (SMC) is undertaking the P44.77-billion Nasugbu-Bauan Expressway (NBEX) project that will provide a faster connection between the eastern and western portions of Batangas province. This comes after the Batangas provincial government granted the company’s infrastructure arm, SMC...
The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
Responsive and committed government financial institution. In pursuit of its commitment to help other government institutions in optimizing operating efficiency and public service, the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) turned over previously used office, furniture, and IT equipment to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -