By JOENALD MEDINA RAYOS
BATANGAS City – ARESTADO ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division (RID), Regional Special Operations Unit 4A, Batangas Provincial Intelligence Team (PIT), RMFB4A, EOD Batangas, Batangas City Police Station, PIB Batangas PPO, Philippine Army (AIR), 730th Combat group ng Philippine Air Force (PAF) ang isang miyembro ng Dawlah Islamiyah Lanao / Maute Group sa isang operasyon sa Barangay 24 sa lungsod na ito, Biyernes ng gabi.
Kinilala ng mga otoridad ang arestadong suspek na si Jafar Dia Abdul Nazel –kilala rin sa mga alyas Muhajir, alyas Muhasjir at alyas Diya— tubong Lanao del Sur at naninirahan sa nasabing barangay.
Ayon kay CALABARZON Police Regional Director Caranza, may natanggap anong imporasyon ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ukol sa umano’y pag-iingat ng suspek ng mga malalakas na pampasabog at granada sa kaniyang tinitirhang apartment sa lungsod.
Kasunod nito, ikinasa na ng mga operatiba ang patuloy na pagmamanman sa kilos at whereabouts ng suspek at napatid pa na nagpapalipat-lipat pala ang suspek sa ilang cellphone accessories stalls sa Batangas City Old Public Market.
Nabatid pa sa pagsisiyasat na si Abdul Nazer is may direktang ugnayan kina Abu Dar at Abu Zacaria, ang kasalukuyang Amir ng Maute Group at nagsisbi ring intelligence officer ng Dawlah Islamiyah Lanao /MAUTE Group na may operasyon sa Calanugas-Pagayawan-Malabang Area sa Lanao Del sur.
Ayon pa kay Caranza, sa isinagawang surveillance malapit sa apartment ng suspek, nakita siyang may dala-dalang itim na pouch na may nakasipit sa kaniyang baywang at hand grenade nang umalis sa kaniyang partment lulan ng isnag itim na Yamaha Mio Motorcycle.
Dahil dito kaagad na nagpetisyon sa korte ang mga operatiba ng Search Warrant sa paglabag sa PD 1866 (as amended by RA 9516) sa pag-iingat ng mga pasabog at naisyu naman ni RTC Branch 84 Executive Judge Dorcas Feriols Perez.
Sa pagkakaaresto sa suspek, narekober sa kaniya ang One (1) ½ pounds of TNT High Explosives (Olive Drab); One (1) M67 Fragmentation Hand Grenade (green) and One (1) black pouch.
“We shall not remain complacent by the possible terrorist attacks coming from these kinds of people. We shall protect the citizens of this region from any acts of terrorism. I also appeal to the public to remain calm and report suspicious person and actions so that we could earlier avoid the worst incident and go after these suspects,” pahayag pa ni Carranza.|