26.4 C
Batangas

Inumang nauwi sa away; kainuman, sinaksak sa leeg

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

ROSARIO, Batangas – NAUWI sa panlalaslas ng leeg ang masayang inuman ng magkumpare noong Miyerkules ng gabi sa Brgy Calantas, sakop ng bayang ito.

Kinilala nina PO2 Derwin Valencia kasama si PO1 Nunilon Repollo, mga rumesponding imbestigador ang biktimang si Armando Umali y Bregonia, 52, may-asawa at residente ng naturang lugar, samantalang ang itinuturong suspek naman ay ang kabarangay nitong si Lito Dela Cruz, may sapat na gulang din.

Sa pagsisiyasat ng pulisya rito, nangsimulang maayos at masaya ang inuman ng suspek at biktima, ngunit di kalaunan ay biglang nagkamainitan ang masayang kwentuhan na humantong pa sa pagtatalo.

Di rin nagtagal at inundayan ng taga ng suspek ang leeg ng biktima gamit ang isang itak at pagkatapos noon ay karaka’y tumakbo palayo dala ang itak na ginamit sa krimen.

Kaagad namang naisugod sa Christ the Saviour Hospital sa bayan ring ito ang biktima para sa agarang lunas. Samantala ay inihanda na ang kakulang kaso ng pananaga laban sa suspek na patuloy pa ring nakalalalya.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
BATANGAS -- Individuals transferring ownership of properties by way of succession would not need to pay for charges and interests for delayed payment of transfer taxes as the Sangguniang Panlalawigan acted on it with promptness, September 2. In a regular...
SAN JUAN, Batangas -- IN relation to the published Tropical Cyclone Bulletin Nr 08 issued by PAGASA as of 09:00 AM, September 02, 2024, the Philippine Coast Guard - San Juan Sub Station temporarily suspends voyages of all vessels/watercrafts...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -