PANGARAP, pagsisikap at determinasyon ang mga naging puhu-nan ng isang iskolar noon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na isa nang hukom ngayon sa Municipal Trial Court ng San Luis, Batangas na si Judge Alvin Bathan Landicho, katatalagang presiding judge ng Municipal Trial Court sa Bayan ng San Luis.
Panlima sa pitong magkakapatid ng isang magsasaka at isang may-bahay, buong tapang nitong hinarap ang mga pagsubok para hindi maging hadlang sa kaniyang mga pangarap sa buhay.
“Malaking tulong ang scholarship ni Gov. Dodo Mandanas,” pahayag ni Judge Landicho, na naging bahagi ng BPSP nang siya ang nag-aaral ng kursong Mass Communication sa Lyceum of the Philippines University Batangas.
“Sa pamamagitan ng mga kaklase ko, nalaman ko na may scholarship program ang Kapitolyo, at hindi ako nagdalawang isip na kunin ang oportunidad para maging iskolar”.
Malaki ang pasasalamat ni Judge Landicho sa pamahalaang panlalawigan, partikular sa pamunuan ni Gov. Mandanas, dahil, aniya sa napakalaking naitulong ng scholarship program upang makamit niya ang tagumpay.
Ibinahagi nito na noong siya ay nagtatrabaho na sa Maynila, inalok siya ng kaniyang mga tiyuhin na pumasok sa Law School upang maging kauna-unahang magiging abogado sa pamilya, at tinanggap ang hamon na ito daan upang makatapos siya ng Bachelor of Laws.
Nagtrabaho rin siya sa isang fast food chain noong kolehiyo, at pumasok bilang isang call center agent habang nasa law school.
Paalala ni Judge Landicho sa mga mag-aaral na Batangueño na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at huwag sayangin ang pribilehiyo o ang maging iskolar ng pamaha-laan.
Binigyang-diin din nito ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa at sinabi na huwag matakot tumulong katulad ng kaniyang ginagawa sa kasalukuyan na pagpapaaral ngayon ng kaniyang mga pamangkin.|- Jun –Jun De Chavez