25.9 C
Batangas

Kabuhayan Package sa pamilya ng mga child laborers, ipinamahagi ng DOLE

Must read

LUNGSOD NG STO. TOMAS, Batangas — ANIM (6) na magulang ng mga child laborers sa lungsod ang nakatanggap ng kabuhayan package mula sa DOLE IVA-Batangas Provincial Office; sa ilalim ng Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) ng DOLE, katuwang ang Public Employment Service Office (PESO), Disyembre 29.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nag-ikot ang DOLE-PESO sa buong lungsod upang hanapin ang mga batang manggagawa o child laborers. Sila ay na-profile, minonitor at base sa kanilang pangangailangan ay hinandugan sila ng DOLE ng pagsisimulang kabuhayan na akma sa kanilang kakayahan.

Ibinahagi naman ni City Administrator Engr. Severino M. Medalla ang mensahe ni Pununglungsod Arth Jhun A. Marasigan na nagpapaabot ng pasasalamat sa ahensya ng DOLE para sa tulong na hatid sa ating mga kababayan at ang paghikayat sa mga magulang na pagyamanin ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Ipinaliwanag din sa mga magulang ang mga lokal na programa ng pamahalaan kontra child labor gaya ng scholarship, educational assistance, summer job employment, livelihood at skills training na may layuning tulungan silang alisin sa kalagayang maagang pagta-trabaho, makabalik sa pag-aaral  at tuluyang makapagtapos.|

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -