27.8 C
Batangas

Kapitana at sekretarya, inireklamo ng vote buying

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

LUNSOD BATANGAS – (Updated) PAGKAKULONG ng isa (1) hanggang anim (6) na taon, at diskwalipikasyon na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno ang maaaring maging kaparusahan sa isang punong barangay at kaniyang kalihim sakaling mapatunayang nagkasala gaya ng inihaing reklamo ng vote buying sa lunsod na ito, Lunes, Mayo 14.

Pormal na ipinagharap ng reklamo ni Gng. Emma Abacan Tumambing, tumatakbong punong barangay ng Barangay Poblacion 24 (kilala bilang R.R. Station) sina incumbent Punong Barangay Flordeliza Antenor y Plata at si Janzelle Almarez y Serrano, Barangay Secretary sa Batangas City Police Office ganap na ika-apat ng hapon.

Kasabay na sinumpaan ni Tumambing sa harap ni Asst. City Prosecutor Evelyn Jovelanos ang kaniyang Salaysay, nanumpa rin at nilagdaan ang kani-kanilang Salaysay ang dalawang sinasabing ‘binilhan’ ng boto na sina Harvi Añonuevo y Gines, 22, at Joemar Sanvictores y Magsino, 23; kapwa binata at mga residente ng Purok 6, Brgy. Calicanto, Lunsod Batangas.

Batay sa salaysay ng dalawang watchers na sina Jean Bernadette Blay at Weybelle Mendoza kay Fiscal Jovellanos, habang nagbabantay sila sa proseso ng halalan sa Batangas National high School kung saan naroon ang mga presinto ng Barangay 24, kaagad nilang napansin ang presensya nahuling flying voters na sina Añonuevo at Sanvictores sapagkat kilala umano nila ang mga ito na taga-Calicanto.

Nang sitahin umano ang dalawa, nabatid na binayaran umano sila ng tig-P400 upang iboto si Noli Macalalad na tumatakbong Punong Barangay.

Sa hap ng piskal ay inilarawan ng dalawang binata at positibong kinilala batay sa mga ipinakitang larawan sina Antenor at Almarez bilang siyang nagbigay ng tarheta at tig-P400 cash. Naganap umano ang naturang bilihan ng boto sa pagitan ng alas-nueve at alas-dies ng umaga.

Samantala, nabatid pa sa salaysay ni Tumambing na maging siya man at kasama ang dalawang binata ay hindi kaagad nakaalis sa bisinidad ng naturang paaralan ng malamang maghahain siya ng reklamo dahil hinarangan sila ng mga supporter ni Macalalad. Nakaalis lamang umano sila nang may isang lalaking nagpakilalang tatga- Comelec kya sila pinadaan ng mga supporter ni Macalalad.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi naman ni Atty. Grollen Mar Liwag, city election officer, na ipauubaya nila sa husgado ang paglilitis sa naturang usapin sapagkat ang kaso ng vote buying ay itinuturing na paglabag sa election law aat ito ay isang kasong kriminal.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
MANILA, Philippines — THE U.S. Embassy in the Philippines will open a new Visa Application Center (VAC), launch an updated visa appointment system, and expand call center services to U.S. citizens in the Philippines starting on September 28. The new...
TANAUAN City -- TUMINDIG at nanindigan ang mayoriya ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan City na harangin ang panukalang Php 615.7-milyong Supplemental Budget na anila’y hindi tamang paggastos ng pondo ng bayan. Sa regular na sesyon ng Sanggunian nitong Martes, Agosto...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -