Mas pinalawak pa ng GMA Regional TV ang coverage nito sa Southern Luzon sa pamamagitan ng paglulunsad ng ika-11 na regional station nito na GMA Batangas at pagpapakilala ng pinakabagong flagship newscast na “GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog.”
Available sa GMA TV 12, ang GMA Batangas ang ikaapat na Kapuso regional station sa Luzon sunod sa GMA Dagupan, GMA Ilocos, at GMA Bicol. Sa pamamagitan nito, mas marami pang viewers ang maaabot ng GMA Network sa Batangas, Quezon, Laguna, at iba pang bahagi ng CALABARZON.
Simula nga nitong Pebrero 14, may bago ng maasahan pagdating sa mga balita’t impormasyon ang mga taga-Southern Tagalog dahil sabay sa paglunsad ng GMA Batangas ang pagpapalabas ng “GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog.” Pinangungunahan ng mga anchor nito na sina Ivy Saunar-Gasang at Ace Medrano, mapapanood ito mula Lunes hangang Biyernes sa ganap na ika-5 ng hapon.
Ang “GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog” and ikapitong flagship newscast mula sa GMA RTV kasunod ng matagumpay na paglulunsad ng mga local newscast na GMA Regional TV Balitang Amianan (North Central Luzon), GMA Regional TV Balitang Bicolandia (Bicol), GMA Regional TV Balitang Bisdak (Central and Eastern Visayas), GMA Regional TV One Western Visayas (Western Visayas), GMA Regional TV One Mindanao (North, Central, South Central, at Southern Mindanao), at ang flagship national newscast nito na Regional TV News.
“We are proud to introduce GMA Network’s latest regional station GMA Batangas and GMA Regional TV’s newest flagship newscast, ‘GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog.’ With GMA Batangas, we further strengthen the reach of the country’s leading Network to more viewers in Batangas, Quezon, and Laguna. ‘GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog,’ in turn, stays true to our motto ‘Local news matters.’ It brings viewers in Southern Luzon the latest news and information that are close to their hearts,” pagbabahagi ni GMA Regional TV and Synergy First Vice President and Head Oliver Victor Amoroso.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Amoroso sa pamunuan ng GMA Network sa pagsuporta sa pinakabagong milestone na ito.
“We are grateful to GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon and GMA President and COO Gilberto R. Duavit, Jr. for trusting GMA Regional TV through the years. We are with them in their goal of giving back to our true bosses–our viewers,” dagdag niya.
Panoorin ang “GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog,” Lunes hanggang Biyernes, 5 p.m. via GMA TV-12 Batangas sa free TV and GMA Affordabox.
All the freshest news, events, and updates about GMA Regional TV are now available via GMA RTV’s official website www.gmaregionaltv.com and @gmaregionaltv on YouTube. Follow GMA Regional TV on Facebook, Twitter, and Instagram via @GMARegionalTV.Para sa karagdagang updates tungkol sa GMA Network, bisitahin ang www.gmanetwork.com at GTV.ph