In photo: Kasama ni incumbent Congressman Marvey Mariño sa paghahain ng kandidatura ang kaniyang maybahay na si incumbent Batangas City Mayor Beverly Rose A. Dimacuha. Kapwa tumatakbo sa ilalim ng Nacionalista Party, kapwa rin wala silang kalaban para sa kanilang ikalwang termino.|BALIKAS PHOTOS
By JOENALD MEDINA RAYOS
BATANGAS City – SA pagsasara ng itinakdang panahon ng paghahain ng kandidatura ng mga tatakbo sa May 2019 Midterm National and Local Elections, ilang mga naghain ng COC ang nakasisisguro na ng panalo sapagkat walang magiging katunggali o dili kaya naman walang malalakas na kalaban.
Sa mga nagsipaghain ng kandidatura sa pagka-kongresista sa anim (6) na distrito ng Lalawigan ng Batangas at sa mga panlalawigang posisyon, tanging si Batangas City Lone District Congressman Mario Vitorrio A. Mariño lamang ang nakasisisuguro ng panalo dahil walang makakalaban sa darating na eleksyon.
Si Congressman Marvey ang kauna-uanahang kinatawan ng Lunsod Batangas sa Mababang Kapulungan matapos maihiwalay ang lunsod mula sa Ikalwang Distrito. Ngayon ay tumatakbo siya para sa ikalwang termino sa ilalim ng Nacionalista Party.
Sa Unang Distrito, muling magkakatapat ang magkatunggaling Ermita at Apacible sa pagka-kongresista. Nasa ilalim ng Nacionalista Party (NP) si incumbent Congw. Eileen Ermita-Buhain samantalang PDP-Laban naman si former Cong. Conrado V. Apacible ng Nasugbu.
Makakalaban naman ni Deputy Speaker at 2nd District Cong. Raneo E. Abu (NP) si Punumbarangay Nicanor Conti (PDP-Laban) ng Brgy. Alalum, San Pascual.
Apat (4) naman ang magiging magkakalaban sa Ikatlong Distrito – si incumbent Congw. Ma. Theresa V. Collantes (PDP-Laban), Jose Gabriel H. Reyes (Independent), dating Bokal Ma. Chona M. Dimayuga (PDP-Laban) at si Nestor L. Burgos ng Laban ng mga Manggagawang Pilipino.
One-on-One naman sa Ikaapat na Distrito sina incumbent Congw. Lianda B. Bolilia (NP) at former Cong. Mark Llandro L. Mendoza (NPC). Si Bolilia ay nasa kanyang unang termino, samantalang nakatapos na ng uang 3-termino si Mendoza, na siya ring Secretary-General ng Nacionalist People’s Coalition (NPC).
One-on-One din sa Lipa City Lone District (Ika-6 na Distrito) sina incumbent Congw. Vilma Santos-Recto (NP) at Lipa City 3-termer Mayor Meynardo A. Sabili (NPC).
Nagsara ang paghahain ng COC, eksaktong alas-singko ng hapon, Miyerkules, Oktubre 17.|#BALIKAS_News