27 C
Batangas

73 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa; Total cases, nasa 380 na!

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

(2nd Update; 1st publised, March 21, 2020 ) – BUMILIS pang lalo ang pagdami ng kaso ng nagpopositibo sa 2019 Corona Virus Disease (COVID-19) sa bansa, ayon sa Department of Health matapos maitala ang 73 bagong nakumpirmang kaso Linggo ng umaga kasunod ng naunang kinumpirmang 77 bagong kaso nitong Sabado o humigit-kumulang sa 150 bagong kaso sa loob ng 48 oras. Sa ngayon ay 380 na ang kumpirmadong kaso.

Bagaman at hindi lahat inihayag ng DOH kung mga taga-saang mga lugar o probinsya sa bansa ang mga bagong nagpositibo sa COVID-19,  tinukoy na man sa ilang panayam na unti-unti na ring naragdagan ang mga nagpositibo sa labas ng Luzon.

“Kaya po tumaas ang bilang ng mga nagpopositibo ay dahil mas marami nap o tayong natetest ngayon. At kahit ito pong pagtaas ng bilang ay nakakalungkot na balita, maganda na rin po na ating malaman kung sino ang positive sa COVID-19 para po sila ay mabigyan kaagad ng kaukulang pag-aalaga,” pahayag ni DOH undersecretary Maria Rosario Vergerie.

“Sa maagang deteksyon, mas maraming tao tayong mabubuhay at maililigtas,” dagdag pa ng opisyal.

Isa sa mga bagong kasong naitala ay isang 44-taong gulang na bumbero (PH275), ang kauna-unahan mula sa Cagayan Valley. Ayon kay Dr. Glenn Matthew Baggao, nagpapatuloy ang ginagawang contract tracing sa mga nakasalamuha ng nasabing pasyente.

Recoveries

Sa kabila nito, masaya namang ibinalita ni Usec. Vergerie na patuloy din namang nadaragdagan ang bilang ng mga pasyente nakakarekober mula sa kamandag ng epidemya araw-araw.

“Ang maganda pong balita ay mayroon tayong apat (4) na bagong recoveries. Ang pinakamatanda na nagrecover ay 73 years old, at ang pnakabata naman ay 23 years old. Kaya ang total number po ng recoveries natin ay nasa 17 na,” pahayag pa ng opisyal.

Kahapon, sinabi rin ni Vergerie na ang mga bagong recoveries ay “isang napakagandang balita para sa ating lahat, amidst all of these fears, confussions and amidst this crisis.”

K abilang sa mga naka-recover na si P49, ang kauna-unahang nakumpirmang nag-positive sa COVID-19 na taga Batangas. Siya rin ang kauna-unahang naka-recover mula sa kabuuang walong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Batangas.

Pakikiramay

Sa kabila nito, ipinaabot naman ng DOH ang pakikiramay sa mga pamilya ng mga sinawimpalad na igupo ng nakamamatay na sakit. Ikinalulungkot aniya ng ahensya na mayroon muling anim (6) na napadagdag sa tala ng mga pumanaw dahil sa covid virus.

Kabilang rin sa nakumpirmang pumanw dahil sa COVID-19 si P52, ang 79-taong gulang na lola mula sa Batangas City na kapatid ng nakarekober na si P49.

Sa pinakahuling tala nitong alas-4:00 ng hapon, Marso 22, umabot na sa 25 ang naitalang kaso ng namamatay sa epidemyang ito.| – BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

LUCENA City - MISS Universe benefactor and now Senate aspirant Luis “Chavit” Singson, recognized for his strong leadership in both the political and business sectors, has vowed to support jeepney operators and drivers affected by the ongoing Jeepney Modernization...
ARE you ready for the biggest shopping event of the year in Batangas?  The Great South Luzon Sale is happening at SM Malls in Batangas on Nov. 15-17, and you won't want to miss out on the amazing deals and...
THE national government is ramping up by 35 percent to P2.7 billion the spending for public residential drug abuse treatment and rehabilitation centers (DATRCs), in a bid to address overcrowding and boost public access, Makati City Rep. Luis Campos...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -