27.8 C
Batangas

Kaso ng CoVid-19 sa Batangas City, 192 na!

Must read

- Advertisement -

PUMALO na sa 192 ang kabuuang naitatalang kaso ng corona virus disease 2019 (CoVid-19) sa Batangas City, ngayong araw, Hulyo 29, kabilang na ang 13 persons deprived of liverty (PDL) sa Temporary Detention Cell ng Batangas City Police Office.

Sa inilabas na ulat ng Batangas City Epidemiology and Surveilance Unit ng City Health Office (CHO), kabuuang 18 na bagong kaso ang naitala ngayong araw na kinabibilangan ng walong (8) lalaki at 10 babae. Kabilang din sa mga bagong kaso ang dalawang bata, may edad apat (4) at pitong (7) taong gulang na kapwa babae, at ang nauna nang nabanggit na apat (4) na PDL.

Ito ang ikalawang pagkakataong nagtatala ang lungsod ng mataas na kaso sa loob ng isang araw kasunod ng naunang naitalang 20 bagong kaso noong Hulyo 21.

Kabuuang 52 barangay naman o nasa 49.52% ng kabuuang bilang na 105 barangays ng lungsod ang may kumpirmadong kaso ng CoVid-19. Samantalang 13 na ang naitalang PDL sa Batangas City Police Office na nagpositibo na sa CoVid-19.

Sa kabila ng mataas na bilang ng kaso ng CoVid-19 sa lungsod, 10 lamang (0.05%) ng kabuuang bilang ang mortality rate; 70 ang active cases, samantalang 112 na pasyente na ang tuluyan ng gumaling sa sakit. May 124 suspected cases at 3 probable cases ding naitala ang CHO-ESU.

Kasama sa polisiya ng lungsod ang hindi pahintulutang mag-home quarantine ang mga nagpopositibo at sa halip ay ilagay sila sa isolation and quarantine facility na pinangangasiwaan ng pamahalaang lungsod upang matiyak na ang mga nakumpirma nang positibo sa CoVid-19 ay hindi na makahahawa pa maging sa mga kasama sa bahay.

Patuloy naman ang panawagan at tagubilin nina Mayor Beverly Rose A. Dimacuha at Congressman Marvey Mariño sa mga kababayang Batangueño na seryosohin ang pagsunod sa minimum health protocols na pagsusuot ng facemask, pagtiyak sa social distancing at madalas na paghuhugas ng kamay.

Bukod sa mahigpit na pagpapatupad ng paggamit ng isa lamang quarantine pass sa bawat pamilya, may pinaigting din ang contact tracing ng CHO-ESU para agarang maisailalim sa RT-PCR test ang mga direktang nakasamaluha ng mga nagpositibo, samantalang patuloy din ang expanded targeted testing sa mga frontliners, mga buntis, at mga may co-morbidities.| Joenald Medina Rayos/BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BATANGAS -- Individuals transferring ownership of properties by way of succession would not need to pay for charges and interests for delayed payment of transfer taxes as the Sangguniang Panlalawigan acted on it with promptness, September 2. In a regular...
SAN JUAN, Batangas -- IN relation to the published Tropical Cyclone Bulletin Nr 08 issued by PAGASA as of 09:00 AM, September 02, 2024, the Philippine Coast Guard - San Juan Sub Station temporarily suspends voyages of all vessels/watercrafts...
NANAWAGAN si Balayan mayor JR Fronda sa publiko ng ibayong pag-iingat at kaagad na magreport sa kanilang barangay o sa kanilang rural health unit, o maging sa mga lingkod ng bayan, kung sakaling may makitang sintomas ng monkey...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -