28.6 C
Batangas

Kaso ng Dengue sa Calabarzon mas mababa ngayong 2024 – DOH

Must read

- Advertisement -

MATAGAL nang usapin ang banta ng Dengue sa kalusugan ng mga Pilipino. Tag-init o tag-ulan ang mga lamok ay naghihintay lamang upang umatake.

Ang Dengue Virus ay sakit na nakakahawa na nagmumula sa mga lamok, may sintomas ito ng mataas na lagnat, sakit ng ulo, kalamnan at pananakit ng kasukasuan, at pagpapantal ng balat.

Sa unang limang (5) buwan ng taong 2024, kinakitaan ng pagbaba sa numero ang Department of Health (DOH) na matapos maitala ang kabuuang 5,211 cases lamang mula Enero hanggang Mayo.

Ito’y higit na mas mababa sa kabuuang 10,178 na kaso ng Dengue na naitala sa CALABARZON noong nakalipas na taon kung saan ang probinsiya ng Rizal ang may pinakamataas na naitala na umabot sa 3,645 na kaso kasunod ang Cavite na may 2,033 na kaso.

Sa Laguna naman 1,485 na bilang ang mga kaso samantalang 1,855 ang bilang sa Batangas at pinakamababa ang bilang na naitala ng probinsiya ng Quezon na may 1160 kaso lamang.

Posibleng naging dahilan ng pagbaba ng kaso ang pagkaunti ng breeding sites ng mga lamok dahil sa mahabang tag-init at sa paglilinis ng mga residente ng kanilang bakuran .

Ang buwan ng Hunyo ay nagsilbing National Dengue Awareness Month para sa pamahalaan upang mas mapababa pa ang mga numero ng mga kaso at sama-samang matugunan ang suliranin ng dengue sa kalusugan.

Nitong Hunyo 25, 2024 nagkaroon ng Turnover of Vector Control Commodities and Orientation on the use of Misting Machines and Backup Sprayer sa Kimberly Hotel Tagaytay at nakiisa rito ang DOH 4A at Batangas Provincial Health Office.

Patuloy rin ang mga community assembly at misting operation sa mga karatig lalawigan ng CALABARZON upang magkaroon ng malinis nakapaligiran at mapuksa ang bahay ng mga lamokna may dalang Dengue.

Nagkaroon ng pagbaba ng kaso sa Dengue ngayong taon kumpara sa nakaraang taon dahil sapakikiisa at serbisyong hatid ng mga pamahalaanat mamamayan sa bawat isa.| – Avie Villadolid Ramos

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

The Bureau of Internal Revenue (BIR) has lauded the Department of Justice (DOJ) for filing 18 criminal charges before the Court of Tax Appeals...
PASAY CITY, Philippines — The second day of the 2025 PASUC Midterm Convention and General Assembly unfolded with powerful discussions aimed at deepening reforms in Philippine public...
WITH growing demand for finance professionals across South and Southeast Asia, ACCA (the Association of Chartered Certified Accountants) is set to host its flagship...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -