31.1 C
Batangas

Kilalanin ang Bb. Lungsod ng Batangas 2020 candidates!

Must read

- Advertisement -

PORMAL na ipinakilala sa publiko ang 20 naggagandahang kandidata para sa Bb. Lungsod ng Batangas 2020 sa pamamagitan ng isang motorcade sa loob ng poblacion, December 27.

Ang mga ito ay sina: #1 Myzel Angelu Milagrosa ng Brgy. Pallocan East, #2 Charisse Anthea Abanico ng Brgy. Poblacion 2, #3 Airah Lyn Arroyo ng Brgy. Libjo, #4 Krizzel Khayla Claveria ng Brgy. Kumintang Ilaya, #5 Venus Alexis Abel ng Brgy. Alangilan, #6 Maria Angela Claveria mula sa Brgy. San Isidro, #7 Sofhia Nicole Endrinal ng Brgy. Poblacion 5, #8 Andrea Isabel Gutierrez mula sa Brgy. Poblacion 21, #9 Maryjane Atienza ng Brgy. Balete, #10 Clarisse Jane De Guzman ng Brgy. Sta Rita Karsada;

#11 Anna Carres De Mesa ng Brgy. Kumintang Ilaya, #12 Tisha Joie Mercado ng Brgy. Concepcion, #13 Anthunette Quynh Ilagan ng Brgy. Sta Rita Karsada, #14 Alexandra Ibanez ng Brgy. Pinamucan Proper – (hindi dumalo sa press presentation), #15 Kristine Angela Catilo ng Brgy. Pallocan West, #16 Ginelle Rayos ng Brgy. Kumintang Ilaya, #17 Lovely Sarmiento ng Brgy. Kumintang Ibaba, #18 Lyndzy Blyss Maranan ng Brgy. Bucal South, #19 Louell Angel Brinosa ng Brgy. Alangilan at #20 Pauline Angeli Sumalacay ng Brgy. Gulod Labac.

Ayon kay Cultural Affairs Committee Vice-Chairman Eduardo Borbon, ito ang ika-31 taong pagtatanghal ng Bb. Lungsod ng Batangas na nagsimula noong panahon ni dating Punonglungsod Eduardo Dimacuha.

Sa ginanap ng press presentation sa Batangas City Convention Center, isa sa mga isyung ibinato sa mga kandidata ay kung ano ang kanilang suhestyon para sa responsableng paggamit ng social media. Ayon kina Anthunette Quynh Ilagan at Louell Angel Brinosa, dapat magsimula sa sarili ang pagiging responsableng social media netizen.

Ilan naman sa kanilang magiging advocacy kung sakaling papalaring manalo ay ang pagsusulong sa pangangalaga sa kalikasan, women empowerment at disaster preparedness and awareness.

Naging early favorites ng mga lokal na mamamahayag sina contestant number # 1 Myzel Angelu Milagrosa, #6 Maria Angela Claveria, # 11 Anna Carres De Mesa, #13 Anthunette Quynh Ilagan at # 16 Ginelle Rayos.

Gaganapin ang Talent Night sa Enero 11 at ang Coronation Night sa Enero 15, sa bisperas ng kapistahan kung saan magtatanghal ang mga kilalang movie at television personalities.|

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -