26.7 C
Batangas

Kita ng pamahalaang lungsod ng Batangas, umabot ng P2.1-B noong taong 2018

Must read

- Advertisement -

INIULAT ng City Treasurer’s Office (CTO) na tumaas ang koleksyon ng Batangas City noong 2018 kung saan ito ay umabot sa P2.1 bilyon kumpara sa P2 bilyon noong 2017 o pagtaas ng P152.8 milyon. Nahigitan din ng koleksyong ito ang 2018 city budget na P1.8 bilyon.

Dahilan sa dumami ang mga bagong negosyo at nag-renew ng kanilang businesss permit mula 9,152 business establishments noong 2017 hanggang 10,180 noong 2018, lumaki rin ang business taxes mula P578 milyon hanggang P715.4 milyon o pagtaas ng P137.3 milyon.

Umabot naman sa P901.9 milyon ang real property tax collection noong isang taon.

Bumaba ang tax delinquency na nagkakahalaga ng P131.6 milyon kumpara sa P209.2 milyon noong 2017. Nakapagpadala ang CTO ng 32,052 Notices of Delinquency at may 10,921 bahay ang nabisita sa house-to-house campaign.

Patuloy na pinaigting ang tax collection campaign hindi lamang sa pagpunta ng tauhan ng CTO sa mga barangay kundi sa malawakang information drive sa pamamagitan ng mga ipinamimigay na pamphlets, pagpupulong, at tulong ng mass at social media.

Nakakatulong din ang teknolohiya kagaya ng global positioning satellite sa paghahanap ng mga tirahan ng mga taxpayers.

Ang mga tauhan ng Business Permit and Licensing Office (bplo) ay pumupunta rin sa mga barangay upang malaman kung nag-ooperate ng may business permit ang mga negosyo habang ang examination team ng CTO ay tinitingnan ang book of accounts at pertinent records ng mga negosyo alinsunod sa Sec. 171 ng Local Government Code of 1991. Dahil sa trabaho ng examination team, nakapagkolekta ng P832,611 noong 2018.

Samantala, iniulat ng Office of the City Market Administrator na bagamat naging mahina ang benta ng palengke noong isang taon dahi-lan sa sobrang pagtaas ng bilihin, bahagyang tumaas pa rin ang kita ng tatlong palengke, na nagkakahalaga ng P45.5 milyon.|#

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

SA patuloy na pagsusulong sa paggamit ng teknolohiyang sisiguro sa pagpapabuti ng nutrisyon at kalusugan ng mga mamamayan, sumailalim ang tatlong MSME technology adopter ng Cavite sa “Virtual Technology Transfer Training on the Production of Enhanced Nutribun Carrot Variant...
THE Philippine government, particularly the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), the Philippine Coast Guard (PCG) and the Department of Environment and Natural Resources (DENR), was rushing on daily basis to contain the spread of an oil...
FILIPINOS are known for their diligence, perseverance, and diskarte, these attributes alone aren't enough without a proven tool to help you take the leap to success. Here is how Bajaj – The World’s No. 1 Three-wheeler became their key to success: No. 1...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -