24.7 C
Batangas

Kita ng PCSO-Batangas, pumalo ng P2.1-bilyon noong 2017; share sa STL, umabot sa P100.9-milyon

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

LIPA City – PUMALO sa mahigit pang P2.1 bilyon ang kabuuang kinita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga lalawigan ng Batangas at Romblon noong taong 2017 na katumbas ng 62% na pagtaas mula sa P1.3 bilyong kita noong 2016.

Ito ang iniulat ni PCSO-Batangas Branch officer-in-charge Flora Obina sa press conference ng government charity sweepstakes operator sa lunsod na ito, Sabado ng umaga, na dinaluhan mismo ng mataas na opisyal ng ahensya sa pangunguna ni PCSO general manager Alexander Balutan at ilang pununlunsod at punumbayan sa lalawigan ng Batangas at Romblon sa pangunguna ni Lipa City mayor Meynard A. Sabili.

Pahayag ni Obina, pinakamalaking bahagi ng kinita ng ahensya sa Batangas ay mula sa operasyon ng small town lottery (STL) ang panapat ng pamahalaan sa iligal na sugal na jueteng.

Sa Batangas pa lamang, umabot na sa halos P1.5-bilyong piso ang kabuuang kinita ng PCSO sa STL o kabuuang P1,467,269,664 noong 2017 o halos doble ng kinita nito noong 2016 na mahigit P700.6-milyon. Sa Batangas din, kumita ang ahensya sa Lotto ng mahigit pang P547-milyon na mas mataas ng mahigit pang P50-milyon sa kinita nitong P490-milyong noong 2016. Umabot naman sa mahigit P134-milyon ang kinita noong 2017 sa Keno at iba pang laro, mas mataas ng P26.6.-milyon sa kinitang P107-milyon noong sinundang taon.

Sa lalawigan naman ng Romblon, kumita ang PCSO ng mahigit P30.1-milyon noong 2017. Kabuuang P28,023,380 rito ay kinita sa Lotto at P159,760 naman sa Keno. Sigurado naman ang kitang eksaktong P2-milyon sa STL bilang Presumptive Monthly Retail Receipt (PMRR) sa authorized agent corporation na nagsimula lamang ng operasyon noong Disyembre 8, 2017.

“Our STL continues to raise more funds to President Rodrigo Roa Duterte’s free medicines and financial assistance to medical patients in the country amid the vilification campaign being waged in the media by vested-interest individuals to destroy the lottery game, in particular, and PCSO, in general,”  pahayag ni Balutan.

“We have hit a high record in revenue collections, and we aim to do more this year, if not equal it,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Balutan, noon pa mang Enero lamang, tumaas na ang kita ng PCSO sa STL sa buong bansa mula sa P916.5 milyon na naging P1.87 bilyon o higit pang doble ng kinita noong Enero 2017.

Ang pagdami aniya ng mga authorized agent corporations (AACs) ng STL at ang pagtatakda ng PMRR ay nakatulong ng malaki upang mapataas ang kita ng ahensya, at sa tulong na rin ng mga mananayang publiko.

Malaking kita, malaking benepisyo

Kaalinsabay naman ng pagtaas ng kita ng ahensya ay ang paglaki rin ng pakinabang dito ng publiko sa pamamagitan ng mga tulong medikal, distribusyon ng mga ambulansya at iba pang programa ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa P900,000 ang alokasyon kada araw para sa Immediate Medical Assistance Program (IMAP) sa Batangas, at P50,000 naman sa Romblon. Bukod dito, may alokasyon ding P150,000 kada araw na panustos sa mga nangangailangang pasyente sa Batangas Medical Center (BatMC), P250,000 sa Mary Mediatrix Medical Center, at P30,000 sa Batangas Provincial Hospital  sa Lemery, Batangas.

Alinsunod sa isinasaad ng 2016 Revised Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa operasyon ng STL sa bansa, 30% ng net sales ng STL ay pupunta sa Charity Fund ng PCSO. Mula rito, 29.40% ng nasabilang pondo ay mahahati naman sa sumusunod: lunsod/bayan – 3%; congressional district – 0.25%; lalawigan – 0.25%, at pulisya – 2.50%.

Batay sa Memorandum of Agreement na nilagdaan nina dating PCSO chairman Jose Jorge Corpuz at dating Philippine National Police chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa noong Nobyembre 22, 2016, ang 2.5% na alokasyong magmumula sa Charity Fund ay hahatiin sa sumusunod: PNP National Headquarters – 0.40%; Police Regional Office – 0.40%; Police Provincial Office – 0.50%; Local Police Station – 0.70%; CIDG-National – 0.20%; CIDG-Regional – 0.20%; at CIDG-Provincial – 0.10%.

Mula sa operasyon ng STL, tumanggap na ang lalawigan ng Batangas ng kabuuang P100,822,528.17 kabahagi para sa taong 2017. Ang halagang ito ay mas mataas ng 38.34% kumpara sa kabuuang tinanggap ng Batangas noong 2016 na P72,294,082.30. Nangangahulugan lamang na mas malaki ng P27,728,445.87 ang naibalik sa probinsya kumpara sa naibalik noong 2016.

Sa naturang halaga ng kabahagi sa STL, P44-milyon ang napunta sa mga lunsod at munisipyo, P6.7-milyon sa anim na congressional districts, P12.5-milyon sa pamahalaang panlalawigan, P29.3-milyon sa pulisya, at P7.3-milyon naman sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Samantala, sa Lalawigan naman ng Romblon, mula sa kulang pa sa isang buwang operasyon ng STL umabot kagad sa kabuuang P145,000 ang naibigay ng PCSO na kabahagi noong 2017. Sa halagang ito, P60,000 ang para sa 17 munisipyo rito; P15,000 para sa Lone Congressional District; P 20,000 para sa pamahalaang panlalawigan; P40,000 para sa pulisya; at P10,000 para sa CIDG.

Halos makaapat na beses namang mas malaki ang tinanggap ng Romblon mula sa STL noong unang kwarter ng 2018 na umabot sa P543,750.

Ang operasyon ng STL sa mga probinsya ay hawak ng mga authorized agent corporations ng PCSO gaya ng Batangas Enhance Technology Systems, Inc. (BETS) sa lalawigan ng Batangas at Pines Estate Gaming Corporation naman sa Romblon.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
BATANGAS City — After nine (9) months of rolling out the Master of Disaster (MOD) board game across 16 schools in Batangas City, Shell Pilipinas Corporation Master of Disaster program culminated its first run last Friday, September 6, 2024...
CITY OF CALACA, Batangas – “NARINIG na natin ang Boses ng Partido! Nagpasya na ang partido sa apat na dapat nating suportahan sa mga darating na araw. Sila ang aking magiging katuwang sa Tamang Gawa, Tamang Pamamahala, para sa...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -