By JOENALD MEDINA RAYOS
STO. TOMAS, Batangas โ UPANG tuluyang maihatid sa mga higit na nangangailangang mamamayan ang libreng serbisyong medical, muling binuksan sa publiko ang Klinika ng Bayan (KNB) โ ang corporate social responsibility (CSR) program ng Baatangas Enhanced Technology System (BETS) sa pakikipagtulungan ng Anakalusugan Party-list.
Ang operasyon ng Klinika ng Bayan, na ang orihinal na konsepto ay isang barangay-based medical facility na naglalayong makapagbigay ng libreng serbiyo sa mga mahihirap na Batangueรฑo, ay nagsimulang maglingkod sa mga tauhan ng BETS at kanilang mga pamilya.
Ayon kay Dr. Arnielyn Marasigan-Aguirre, punong tagapangasiwa ng KNB, โang pagbubukas muli ng Klinika ng Bayan ay nagpapatunay lamang ng isang bagay โ na magpapatuloy ang serbisyong pangkomunidad hindi lamang sa bayan ng Sto. Tomas kundi maging sa buong Lalawigan ng Batangas.โ
Aniya pa, โkatunayan nito, lalo pa naming pinalalakas ang aming operasyon upang matiyak na lahat ng nangangailanan ng aming serbisyo ay matutugunan, partikular ang lubhang mahihirap nating mga kababayang Batangueรฑo.
Suportado ang KNB ng Anakalusugan Party-list na naniniwalang ano man ang katatayuan ng tao sa buhay, ang serbiyong pangkalusugan ang mag-uugnay sa lahat sapagkat ang kalusugan ay concern ng lahat ng tao.
โAng serbisyo ng KNB ay isang klasikong halimbawa na tunay na serisyong pangkalusugan ang nag-uugnay sa lahat ng tao, kaya naman hindi lamang ito sinusuportahan ng Anakalusugan, kundi nilalayon ding dalhin sa iba pang lalawigan sa buong bansa,โ pahayag ni Atty. Adorlito Ginete, dating pangulo ng Batangas Mayorโs League at first nominee ng Anakalusugan Party-list.
Ayon naman kay dating housing czar Mike Defensor, kung tuluyan nang madadala sa malalayong lalawigan ang KNB, lalo na sa mga ilang na lugar na walang pasilidad na medikal, tiyak na mas bababa ang mortality rate sa bansa. Aniya pa, nakalulungkot na karamihan sa mga namamatay sa mga mahihirap na komunidad ay hindi man lamang nalapatan ng gamot o natingnan ng doktor dahil wala man lamang mga klinika o maliliit na ospital sa mga lugar nila.
โBukod pa rito, mahalagang madala sa mga mahihirap na lugar ang KNB upang mas mapataas pa ang kamalayan sa pag-iwas sa sakit kaysa hihintayin pang magkasakit at pahirapan pang makatagpo ng lunas para rito,โ saad naman ni dating Philippine National Railways general managerย Ower Andal.
Sina Defensor at Andal ang ikalwa at ikatlong nominee ng Anakalusugan Party-List.
Pahayag naman ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) spokesman Florante Solmerin, bukod sa BETS, ilan pang small town lottery operator sa bansa ang nakahandang makipagtuwang sa Anakalusugan upang maihatid ang Klinika ng Bayan sa iba pang sulok ng bansa.|#BALIKAS_News