BATANGAS City — NAKAKOLEKTA ng business taxes na nagkakahalaga ng P888.4 milyon ang pamahalaang lungsod ng Batangas noong 2019, mataas ng P172.9 milyon noong 2018 kung saan mayroon lamang P715.4 milyon ang nakolekta ayon sa ulat ng City Treasurer’s Office.
Iniulat ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) na dumami pa ang bilang ng mga business establishments na bagong nagparehistro at nagrenew ng business permit noong 2019 sa kabuuang bilang na 10,971, mas mataas ng 791 kaysa noong 2018 kung saan may 10,180 business establishments lamang ang nagparehistro.
Ang real property tax collection noong 2019 ay nagkakahalaga ng P937.2 milyon, mataas ng P35.3 milyon kaysa noong 2018 na mayroon lamang koleksyon na P901.9 milyon.|- Angela Banuelos