LAUREL, Batangas — โANG bulkan ay ginising lamang tayo. Hindi lamang tayo babangon, mas uunlad pa tayo.โ
Ito ang magkasabay na hamon at pangako ni Gov. Hermilando I. Mandanas sa ikalawang araw ng pamahahagi ng tulong pinansiyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, noong Pebrero 19, 2020, para sa mga Batangueรฑong nasiraan ng bahay dahil sa pagputok ng Bulkang Taal, at honorarium distribution para sa mga barangay volunteer workers sa mga Munisi-palidad ng Laurel at Talisay.
Sa harap ng munisipyo ng bayan ng Laurel, umabot sa P3,747,000 ang kabuuang naibigay na ayuda ng Kapitolyo, kabilang ang P200,000 para sa pamahalaang bayan, P260,000 na barangay aid, at P3,287,000, bilang panimulang tulong para sa 451 na pamilya na nasiraan ng bahay at cash for work para sa mga barangays volunteers.
Sa bayan naman ng Talisay, nagkakahalaga ng P2,888,000 ang naipaabot na cash assistance sa pagtitipong ginanap sa Doรฑa Maria Laurel Platon School of Agriculture, sa Barangay Aya.
Ang nasabing gawain ay pagpapatuloy ng ipinangako ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. Mandanas, na bibigyan ng ayuda ang mga nasiraan ng bahay sa oras na mas mabawasan pa ang banta ng muling pagputok ng bulkan.
Ipinaliwanag naman ni Provincial Social Welfare and Deve-lopment Office department head Jocelyn Montalbo na ang pagka-kasunod-sunod ng mga bayang binibigyan ng tulong ay batay sa kung aling bayan ang naunang nagpasa ng mga official list ng mga benepisyaryo. Ang mga nasa talaan ay ang mga nakipag-ugnayan sa kanilang barangay, Municipal Social Welfare and Development Office, at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ikinatuwa naman ng mga taga-Laurel, partikular ang mga nakatira sa mga barangay na sakop ng 7-km danger zone radius, ang iniaalok na pabahay ng National Housing Authority na 5,100 units ng libreng pabahay sa Talaibon, Ibaan; Lung-sod ng Sto. Tomas; Tiaong, Quezon; at Cavite.
Naging pinaka-interesado ang mga evacuees sa 300 units ng libreng pabahay na bukas sa housing site sa Lungsod ng Sto. Tomas.
Nakiisa sa pagtitipon ang mga lokal na opisyal ng mga nasabing bayan, sa pangunguna nina Laurel Mayor Joan Amo, 3rd District Board Member Rudy Balba, mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Laurel at Talisay, at mga department heads ng Kapitolyo.| – Vincent Altar