27.6 C
Batangas

‘Let there be light!’  Solar electrification sa Isla Verde, andar na

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

ISLA VERDE, Batangas City – “Noon ay pangarap pa lamang, ngunit ito na ngayon ang katuparan – mula ngayon, magiging maliwanag na buhay ng mga tagarito sa Isla Verde.”

Ganito inilarawan ni Mayor Beverly Rose A. Dimacuha ang matagumpay na proyekto ng paghahatid ng electripikasyon sa Isla Verde na sinimulan sa Barangay San Agapito, kung saan pinasinayaan ang First Solar Micro Grid System sa bansa na siyang hudyat din ng community electrification sa isla.

Sinabi pa ng pununlungsod na ang pagpapailaw sa Isla Verde ay pinangarap pa ng kanyang ama, dating mayor Eddie Dimacuha at nagpapasalamat siya sa mga katuwang na ahensya kung kaya’t nagkaroon ng kaganapan ang pangarap na yaon.

“This is time to rejoice, time to celebrate.  Ngayong 2019 liliwanag na rin ang Pasko sa Isla Verde,” sabi ni Mayor Dimacuha. “Sina Mayor Beverley at Cong. Marvey ay sumusunod sa yapak ng panunungkulan ni Mayor Eddie,” dagdag pa niya.

Ibinida ng pununlungsod na hindi naging madali ang pagsasakatuparan ng matagal ng pangarap na pagpapa-ilaw sa Isla Verde, kung kaya naman lubos ang kaniyang pasasalamat sa malaking ambag ng United States Agency for International Development (USAID) na nagkaloob ng mga inverters, sa SunPower Philippines Manufacturing Ltd na nagkaloob ng may 615 photovoltaic panels at ng pamilya ni G. Rowell Cueto na nagdonasyon ng lupang pinagtayuan ng planta para tuluyang masimulan ang proyekto.

Sinabi naman ni Cong. Marvey Mariño na nung minsang nanood ng basketball sa Batangas City si Meralco chairman Manny V. Pangilinan (MVP) ay ipinakiusap niyang bigyang pansin ang electrification project sa anim na barangay ng Isla Verde, at hindi naman siya binigo nito dahil makalipas ang tatlong (3) araw ay sumulat ito sa kaniya at sinabing bibigyang prayoridad ng Meralco ang proyektong ito.

Pahayag ni DOE Undersecretary  Felix William Fuentebella, nagkaroon ng interes si DOE Secretary Alfonso Cusi  na mapabilis ang electrification ng Isla Verde sapagkat naniniwala siya na dapat maging competitive ang mga eskwela at iyon ay mangyayari lamang kung mayroong  kuryente sa kanilang tahanan.

Ang solar electrification ng Isla Verde aniya ay inaasahang maging simula ng economic development ng Isla Verde.  Nanawagan din siya sa mga residente na ingatan at pangalagaan ang renewable energy project na ito at panatiling malinis at sustainable ang isla.

Bukod kay Fuentebella at sa mga city officials sa pangunguna ni Congressman Marvey Marino at Mayor Beverley Dimacuha, dumalo rin sa naturang okasyon ang mga opisyal ng Meralco sa pangunguna nina Head of Networks, Ronnie Aperocho; Meralco Powergen Corporation President and CEO Rogelio Singson; at USAID Philippines Deputy Office Chief for Environment and Mission Disaster Relief Paul Aiyong Seong.

‘Mapaghamong simula’

Ang Isla Verde Solar Micro Grid System ang kanuna-unahang off-grid system o nahiwalay na electric facilities na gumagamit ng kuryente mula sa araw na inaprubahan ng DOE na mag-operate sa bansa.

Noon pa mang Agosto ng nakalipas na taon, inihanda na ng Meralco ang mga distribution facilities kabilang na ang may 34 power poles at 33 spans power lines kasama ng mga metering terminals.

Isinagawa ang groundbreaking ceremony sa pinagtayuan ng planta noong Marso 2, 2017. Hindi naging madali ang proseso ng pagsisimula ng electrification project sapagkat matapos maitayo ang planta ay hindi kara-karaka maaaring i-operate ito ng walang pahintulot ng DOE at ng Energy Regulatory Commission. Dumaan din ito sa pagsusuri ng Public-Private Partnership (PPP) Screening Board ng pamahalaang lungsod para matiyak na ang magpapatakbo nito ay may sapat na kapabilidad na maihatid ang serbisyong pagpapailaw sa buong service area. https://balikas.net/solar-electrification-sa-isla-verde-matutuloy-na/

Start-up

Unang maseserbisyuhan ng kuryente ang may 40 kabahayan sa Sitio Cacauan sa Barangay San Agapito na unang nagsipag-apply na maging konsumedores ng Meralco. Sinagot naman ng One Meralco Foundation ang paglalagay ng mga entrance facilities ng bawat bahay na kinabitan ng linya ng kuryente.

Ayon kay Punong Barangay Edmar Rieta malaking kaginhawahan ang maidudulot ng proyekto sa mga residente lalo na sa mga estudyante dahil makapag-aral na sila hanggang gabi.

“Matagal na itong pangarap ng mga residente lalo na ng mga matatanda, pero higit na masaya ang mga mag-aaral dahil makakagamit na rin sila ng computer para sa kanilang pag-aaral,” dagdag pa ni Rieta.

Sinabi rin niya na handa ang barangay na makiisa sa mga alintuntunin na ipatutupad kaugnay ng proyekto at umaasa sila na madaling panahon ay mabibigyan na rin ng suplay ng kuryente ang may 300 pang kabahayan sa San Agapito.

Samantala, tiniyak ni Meralco VP and Supplies and Logistics Management Head Ferdinand Gelus na tutukan na rin ng kanilang kumpanya na mapalawig ang serbisyo ng kuryente sa iba pang barangay sa Isla Verde. Ayon naman kay Congressman Mariño, bagman at hindi niya ipangako maipangangakong agarang mailatag ang serbisyo ng kuryente sa buong isla at tinitiyak naman niyang pagtutuwangan nila ni Mayor Dimacuha na tutukan ito sa loob ng kanilang termino.|May ulat ni Marie V. Lualhati

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

WHEN Christ explained the parable of the sower and the seed (cfr. Mt 13, 18-23), the obvious conclusion that we can make is that we should be the good ground to receive the seed of God’s word so that...
A silent revolution is underway in the busy field of education, where the curriculum always demands, and the clock is continuously running. This change is about something far more fundamental than flashy technology or popular teaching approaches—our attitudes. Psychologist...
OUT OF the seven plastic categories, the first two, namely Polyethylene Terephthalate (PET) and High-Density Polyethylene (HDPE) are the easiest to recycle, and therefore these are the most in demand in the recyclable market. Never mind the five others, because...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -