27.3 C
Batangas

Libreng hybrid native chicken ipinamahagi

Must read

- Advertisement -

MAY 2,500 hybrid native chicken ang ipinamahagi ng libre ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) sa may 500 katao na gustong  kumita  o makinabang sa pag-aalaga ng manok nitong Huwebes, May 31.

BUONG kagalakang tinanggap ng mga benepisyaryo ang mga hybrid native chicken bilang tulong pangkabuhayan ng pamahalaang lunsod ng Batangas sa pamamagitan ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS).| Photo by CITY PIO

Ito ay bahagi ng animal dispersal program ng OCVAS na naglalayong mapadami ang produksyon hindi lamang para sa food security kundi upang maiangat ang kabuhayan sa mga rural areas.

Dumalo dito si Mayor Beverley Dimacuha kung saan sinabi niya na patuloy niyang bibigyan ng prayoridad  ang kaunlaran ng agrikultura sa lunsod.

Ayon kay Dr. Flora Abe ng Livestock Division ng OCVAS, madaling dumami ang hybrid native chicken kahit hindi nalilimliman at mataas ang kalidad ng lahi. Kung ang mga ito ay palilimliman sa ibang lahi, mas malaki ang mga itlog nito.

Tumanggap ng tig-lilimang manok at vitamins para sa mga ito ang bawat isang beneficiary.| PIO Batangas City

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

San Miguel Corporation (SMC) is undertaking the P44.77-billion Nasugbu-Bauan Expressway (NBEX) project that will provide a faster connection between the eastern and western portions of Batangas province. This comes after the Batangas provincial government granted the company’s infrastructure arm, SMC...
The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
Responsive and committed government financial institution. In pursuit of its commitment to help other government institutions in optimizing operating efficiency and public service, the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) turned over previously used office, furniture, and IT equipment to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -