PINALITAN na si Speaker Bebot Alvarez ni CGMA. Masyado kasi niyang minaliit ang threat ni Aling Maliit!
Ngayong Speaker na si GMA ay umaasa raw siyang magiging PM . Kunsabagay ay matagal na siyang PM-Pinaka maliit!
Nag-eye balls na raw si GMA at ex-Speaker Alvarez sa opisina upang lipatan na ni bagong Speaker GMA. Si Alvarez naman ang maghahanap ng bagong haybols.
Gumuho raw ang dam sa Laos na ginawa ng mga Koreano. Ang ilang dike daw ng Angat Dam ay may lamat na rin. Balitang ang mga Koreano din daw ang kumontrata nito!
Binalaan ng Malacañang ang mga ahensiya ng gobyerno na pinatatagal ang proseso ng mga dokumento. Karaniwan naman ay mga hepe at fixers ang mga magkakutsaba!
Nahahati raw ang PDP-Laban. Matagal nang hati iyan!
Masasapawan na raw ng Hugpong sa Pagbabago ang PDP-Laban. Ibinabagsak nila ang partidong likha ni Nene Pimentel, .balewala sa PDP-Laban kahit iwanan sila ng kanilang mga myembro. Nawawala na ang pokus kay Pangulong Digong. Kasi umeeksena na si Inday Sara!
Higit daw na may liderato si Speaker GMA kesa kay Senate president Tito Sotto. Mas malakas daw ang poder ng Kamara sa Senado. Kasi iba ang mas marami ang bilang. Pero kapag binu-bully na ng Kamara ang Senado ay hihingi raw si Tito Sotto ng saklolo kay Joey De leon at Vic Sotto.
Super proud daw si Gretchen Barreto at naka-24 years na sila ni Tony Boy Cojuangco.kahit daw kabit lamang ay habambuhay naman siyang maligaya!
Agosto na naman at buwan na naman ng baha at lindol. Kaya lang ay Hulyo pa ay panay na ang baha at lindol na lamang ang hindi pa nadating. Hay naku! Diyuskupu! Huwag naman sana!
Lalong tumitindi ang Oplan Tokhang. Iyan kasi ang diwa ng SONA!
Sa Poland naman ngayon kailangan ang mga libong OFWS. Paborito talaga ng ibang bansa na apihin ang mga Pinoy!
Mabibigla ang bansa sa sorpresang pagkandidato ni Inday Sara sa pagkapangulo sa 2022 elections. Lalong nakakabigla seguro kapag si GMA ang bise-presidente na suportado ni Madame Imelda!
Sa isyu ng No El at pagbabago sa Konstitusyon ay marami ngayong nagtatanong. Suportahan pa kaya ito ni Bebot Alvarez?
Dahil sa iba’t ibang kalokohan ay maraming parak ang nasibak. Naging popular naman sila dahil sa social media. Kaya lang bago silang tanggalin ay nababatukan muna sila ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar!
Dapat rebyuhin ng gobyerno ang itinuturo sa PNP bago maging pulis, kasi iba ito sa militar o AFP. Ang baril ng pulis ay pangdepensa lamang at hindi pwedeng gamitin sa pananakot. Samantalang ang AFP ay gamit lamang ang kanilang baril sa pag-atake sa mga kaaway ng Republika.
Libo na ang natatanggal na mga pulis nguni’t madami pa rin ang mga scalawags. Isang hamon ito para patuloy na linisin ang hanay ng PNP, para maibalik ang paggalang at maitayo ang humihinang kredibilidad ng kanilang hanay!
Niyayaya ni P-Duterte ang Abu Sayyaf sa isang pagpupulong. Akala ko ay hindi siya nakikipag-usap sa mga terorista.
Kahit daw mamuti ang mga mata ng mga humahabol sa P60 million tourism ads ay hindi daw ito ibabalik ng Tulfo brothers. Mukhang madadali sila ng bitag ah! Kaya lang ay ihahabla daw sila ni Trillanes ng plunder.|