29.1 C
Batangas

‘Ligtas magligo at kumain ng isda sa Isla Verde’ – VG Mark Leviste

Must read

ISLA VERDE, Batangas City — LIGTAS at wala ng dapat ikabahala ang mga lokal at dayuhang turista na nagbabalak magbakasyon ngayong Semana Santa at mga susunod na araw dito sa Isla Verde.”

Ganito inilarawan ni Vice Governor Mark Leviste ang kasalukuyang estado ng tubig-dagat sa isla kasunod ng kaniyang panliligo sa dagat sa Barangay San Agapito, at pagakain kasama ang iba pang opisyal at mga kinatawan mula sa tanggapan ni Bise Presidente Sara Duterte, Biyernes ng tanghali.

“Wala naman akong naramdamang pangangati o anumang nakakabahalang naramdanan at balik na sa kalinisan at presko ang tubig-dagat dito kaya hinihikayat natin ang ating mga kababayan na subukan nilang dito mag-beach sa Isla Verde ngayong bakasyon,” pahayag pa ng bise gobernador.

Kasunod nito ay pinangunahan rin niya ang isang boodle fight kasama ang kinatawan ng Opisina ng Bise Presidente Sara Duterte, at ilang punumbarangay sa Isla Verde upang ipakita na ligtas din ang kumain ng mga isdang nahuhuli rito.

Ang Brgy. San Agapito ay isa sa apat na barangay na kinakitaan ng bakas ng oil spill mula sa lumubog na barkong M/T Princess Empress. Ang tatlong iba pa ay ang Brgy. San Antonio, San Agustin Kanluran at San Andres.

Noong umaga ng Biyernes, inihatid din ni VG Leviste para sa anim (6) na barangay ng Isla Verde ang 600 packs ng tig-5 kilong bigas at 1,310 family food box na may lamang bigas, instant noodles at de lata mula sa tanggapan ng ikalwang pangulo.

Ilang araw bago ito, nag-anunsyo rin ang City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) na nanatiling ligtas, walang kontaminasyon o anumang masamang epekto ang oil slick na umabot sa katubigan ng Isla Verde at sa iba pang nasasakop ng lungsod ng Batangas, ayon sa isinagawang water sampling/testing dito.

Kaugnay nito ay kinumpirmang maaaring mangisda, at isagawa ang mga leisure activities dito tulad ng swimming, diving at iba pa.|-BNN/JMR

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -