29.1 C
Batangas

Ligtas SUMVAC, simula na

Must read

- Advertisement -

Nagsimula na ang pagpapatupad ng 100% deployment ng mga traffic enforcers at empleyado ng Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) noong April 3 kaugnay ng Ligtas SUMVAC (Summer Vacation) at bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa paggunita ng Semana Santa.

May 188 na personnel ng TDRO ang nakatalaga sa traffic management at monitoring ngayong Lenten season.

Ayon kay Traffic Operations Supervisor, Cris Mark Banaag, 24/7 bukas ang kanilang command center upang masiguro ang kaligtasan ng mga deboto na bibisita sa lungsod.

โ€œNaglagay kami ng satellite command posts sa mga strategic na lugar gaya ng Monte Maria, Balagtas, Sta. Clara, Bolbok at Batangas City Grand Terminal kung saan may mga help desk upang tumugon sa mga nangangailangan ng tulong,โ€ sabi ni Banaag.

Idinagdag pa niya na may daytime truckban mula sa Libjo hanggang Talahib Pandayan ang ipinatupad noong April 3 upang maibsan ang mga sasakyan na pupunta sa mga nasasakupang lugar.

Ito ay mula 6AM hanggang 9AM at tatagal hanggang April 9.

Nagsagawa din ng clearing operations sa mga national highways kasabay ng pamimigay ng mga road safety tips flyers sa mga driver at mananakay bilang pagpapaigting ng kampanya ng tanggapan hinggil sa kahalagahan ng safety driving.

May itinalaga ring 24 hour- police assistance desks (PADs) ang Batangas City Police Station sa mga simbahan, terminal, pangunahing lansangan, commercial areas at tourist spots sa lungsod.

Inihayag naman ni City Disaster Risk Reduction Management (CDRRM) Officer, Rodrigo Dela Roca na naka-red alert ang operation center ng kanilang tanggapan hanggang sa matapos ang Ligtas SUMVAC.

Idinagdag din niya na kasama sa pagsasagawa ng Ligtas Sumvac ang on-going relief operations sa nangyaring oil spill sa Mindoro na umabot sa katubigan ng Isla Verde.

Aniya, hindi dapat magpanic ang mga tao at bukas ang Isla Verde sa mga turistang gustong bumisita dito.

โ€œAyon sa resulta ng water sampling, ligtas, walang kontaminasyon o anumang masamang epekto ang oil slick na umabot sa Isla Verde at sa iba pang katubigamg nasasakop ng lungsod kung kayat maaaring mangisda, mag-swimming, diving, snorkeling at magsagawa ng iba pang water activities na hindi nakukumpurmiso ang kaligtasan,โ€ dagdag pa ni Dela Roca.

Nakatakdang ilift ang red alert status sa April 9 kasabay ng Linggo ng Pagkabuhay.| PIO Batangas City

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

INIANUNSYO na ng ilang lokal na pamahalaan sa Lalawigan ng Batangas ang pagkansela ng klase bukas sa ilang lungsod at bayan dito. Sa Batangas City suspendido ang klase sa lahat ng antas sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan dahil...
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ang pagdiriwang ng ika-160 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Apolinario Mabini sa Mabini Shrine Brgy. Talaga, Tanauan City Batangas.ย  Bilang pagpupugay ay nag-alay  ng bulaklak ang Pangulo upang kilalanin ang natatanging kontribusyon ni...
โ€œAng West Philippine Sea ay hindi isang kathang-isip natin lamang. Ito ay atin. At ito ay mananatiling atin, hanggaโ€™t nag-aalab ang diwa ng ating mahal na bansang Pilipinas,โ€ President Marcos said in his third State of the Nation Address...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -