WALANG silbi at kalokohan daw lang , ayon sa mga labor groups ang executive order kontra endo na pinirmahan ni Pangulong Duterte. Walang kasiyahan talaga ang mga militante.
Sa totoo lang ay mai-impeach daw ang Pangulo kapag inalis ang endo kontraktuwalisasyon.Kahit nga todasin niya ang mga druglords ay hindi siya mai-impeach. Ibig sabihin ay peke lang ang executive order kontra endo . Nabola ng Pangulo ang mga reklamador.
Lumaki na naman ang halaga ng piso kontra dolyar. OFWs lamang ang natutuwa!
Sundalo’t pulis, oks na sa dagdag-sahod, mga guro next naman , ayon sa Palasyo. Pero , papaano naman daw kaya ang mga nurse at caregiver?
Hinamon ng PNP ang mga kandidato sa barangay na magpa-drug test. Dapat lang!
Aprubado na ang Food Waste Reduction Act. Ibig sabihin ay ipamigay na lang sa mga mahihirap ang mga tirang pagkain sa restoran. Ok rin naman!
Pwede nang magrenew ng passport sa “passport on wheels.” Sa dagdag na 8 umiikot na service vans na ang nagpoproseso ay mga tauhang sumailalim sa rigid training ay 500 applicants ang natutulungan ng kada isang van kada isang araw. Hindi na hihimatayin sa haba ng pila at hindi na rin magiging biktima ng mga illegal fixers ang mga may mahigpit na pangangailangan. Mabuhay ang DFA!
Bubuksan na rin ang bagong consular ng DFA sa Ilocos Norte at Isabela. Dapat lang kasi malaki ang gastos at oras na ginugugol nila sa pag-aaply sa Manila.
Sa katatapos na Little League Philippine Series Luzon Regional 2018 Baseball Tournament na nilahukan ng 67 teams mula sa 16 na Probinsya sa Luzon na ginanap sa Natatas , Tanauan City, Batangas ay muling ipinakita ng Team tanauan City ang kanilang lakas nang dominahin nila at makopo nila ang kampeonato sa 10-under Minor Baseball, 12-under Minor baseball,16-under Senior Baseball, Senior Girls Softball (16-under) at First Runner-up sa 14-under Junior Baseball.Congratulations Tanauan Batters. Nagpahayag panghihinayang si Tanauan Sports Czar Tato Dimayuga sa pagkatalo ng Team Tanauan sa 14-under Junior baseball, dahil sa lamang daw ng 3 runs sa huling inning ang koponan, kaya lang ay tinalo pa rin sila ng kalaban.pero nagagalak siya at kasama ang ating mga koponan sa National Finals na gaganapin sa Manila.
Dalawang lady cops ang dinukot ng Abu Sayyaf. Dapat na daw talagang ma-Ubos- Sayyaf!
Mukhang mapupurnada ang Cha-Cha at Federalismo. Pulso ng bayan ang magpapasiya.
May nahukay raw na buto ng rhinoceros sa kabundukan ng Kalinga at kinatay daw ito ng mataderong Pinoy may 700,000 taon na ang nakakalipas. Matagal na palang uso ang bulalo?
Maraming OFWs ang maaayos naman daw ang mga trabaho sa Kuwait ang nanghihinayang na pati sila ay nadadamay sag alit ni Pangulong Digong Ganyan din ang sitwasyon ng mga nagtatrabaho sa Boracay!
Walang masyadong interes ang maraming bilang ng kabataan na makialam sa SK elections. Ayaw daw ng mga magulang na maagang maging korup ang kanilang mga anak.
Noong panahon Kabataang Barangay ni Marcos ay maraming inter-color, inter-barangay at intert-town sports championship sa basketball, volleyball, chess,table tennis at fun runs atbp. Regular din ang aktibidades laban sa illegal na droga at libreng skills training ng KB-NMK na TESDA ngayon. Nang mawala ang mga Marcos at pinalitan ng SK ay naging kabi-kabila a ng labas ng kadu-dudang pondo na nilulustay ng mga korup na mga opisyal ng barangay at kabataan.
Maraming nagtatanong kung bakit dapat ay P5 lang ang gastos kada botante ng kandidatong barangay kapitan, pero lumalabas ay ay pinakamababa na ang P500 ang tinatanggap ng maraming botante sa barangay. Wika nga ng mga kandidato,”mababawi ko rin iyan kapag nanalo ako!” Haynakupu!
Maraming bansa ang gusto raw talikuran ang Pinas dahil kontra China sila. Huwag sana tayong matulad sa Venezuela na bumagsak dahil sa panggigipit ng mga makapangyarihang bansa na kontra sa China.
Sa P60 milyon kontrobersiya ng ads na kinasasangkutan ng DOT na pinamamahalaan ng kapatid ni Ben Tulfo ng PTV4 ay nagbanatan ang magkaibigang Mike Enriquez at Ben Tulfo. Pag-uuntugin daw ni Ben Tulfo ang ulo Enriquez at kasamang announcer na si Joel Reyes ng DZBB GMA. Wika naman ni Enriquez, DOT-Department Of Tulfo!|