LUNSOD NG TANAUAN, Batangas — HANDANG-HANDA na ang lunsod na ito para sa nalalapit na Little League Philippines Regional Series 2018 matapos dito mapiling isagawa ang taunang kompetisyon ng Luzon Leg simula ngayong 2018.
Ang sports competition na ito na nakalaan para sa mga batang lalaki na manlalaro ng baseball at softball girl players edad 10-16 taong gulang ay gaganapin mula Abril 3-9, 2018.
Layunin ng Little League Baseball Inc. na itaguyod ang kakayahan ng mga batang atleta na nagpapamalas ng interes sa kaugnay na isports at hubugin ang kanilang disipilina sa sarili, pagtutulungan at pagkakaisa.
Ang paligsahan ay nahahati sa tatlong (3) kategorya: Little League para sa edad na 10-12; Junior League- edad 12-14; at Senior League- edad 13-16.
Taus-puso namang nagpapasalamat si City Sports Development Office Department Head Fortunato M. Dimayuga Jr. sa pamunuan ng Little League Philippines makaraang italaga siya bilang Assistant District Administrator for Luzon noong Disyembre ng nakaraang taon.
Napili naman ang Dumaguete City, Negros Oriental bilang host venues para sa Visayas Leg at Kiamba, Saranggani para naman sa Mindanao Leg.
Para sa mga nagnanais na lumahok, makipag-ugnayan lamang kay Jenno Camo sa mga numerong 09209823414 at 02- 461 7705 o mag-iwan ng mensahe sa email address na [email protected] bago sumapit ang Marso 15, 2018.|#BALIKAS_News